Quantcast
Channel: Hacienda Luisita – Pinoy Weekly
Viewing all 17 articles
Browse latest View live

VIDEO | Bakit ka sumama sa protesta sa SONA?

$
0
0

Bakit ka sumama sa protesta sa SONA?

Sa ilalim ng Disbursement Acceleration Program, P450 Milyon ang ibinayad ng gobyernong Aquino sa pamilya Cojuangco-Aquino para sa kompensasyon sa Hacienda Luisita. Isa ito sa mga dahilan kung bakit sasama ang magsasakang si Rey Garcia sa protesta sa ika-5 State of the Nation Address ni Benigno Aquino III.


Imbestigasyon ng masaker sa Hacienda Luisita, pinabubuksan ng mga kaanak

$
0
0
Masaker sa Hacienda Luisita (File Photo)

Isa sa mga biktima ng masaker sa Hacienda Luisita, si Jesus Laza.

Nais pabuksang muli ng mga kaanak ng mga biktima ang kaso ng masaker sa Hacienda Luisita noong Nobyembre 16, 2004.

Nagsampa ng motion for reconsideration sa tanggapan ng Ombudsman kamakailan ang mga kaanak ng biktima ng masaker. Kinukuwestiyon nila ang dalawang resolusyon ng Ombudsman na nagbabasura sa mga kasong administratibo at kriminal laban sa mga inaakusahang maysala sa masaker.

“Taun-taon, nanawagan kami sa opisina ng Ombudsman na aktibong siyasatin ang kaso ng masaker sa (Hacienda) Luisita. ‘Yun pala na-dismiss na lahat ng mga kaso nang wala man lang imbestigasyon at hindi nalalaman ng mga biktima,” galit na sinabi ni Florida Sibayan, tumatayong tagapangulo ng Alyansa ng mga Magbubukid sa Asyenda Luisita (Ambala).

Sabi pa ni Sibayan, sa halip na managot sa nangyaring masaker nabigyan pa ng promosyon si Lt. Gen. Gregorio Pio Catapang bilang chief of staff ng Armed Forces of the Philippines (AFP), gayundin si Col. Ricardo Visaya.

Samantala, ang ilan naman sa mga nagsampa ng kaso tulad ni Ricardo Ramos, pangulo ng Central Azucarera de Tarlac Labor Union o Catlu at Tirso Cruz ng United Luisita Workers Union o ULWU, ay naging biktima ng extra-judicial killings matapos ang masaker.

Si Aquino, paiyak-iyak pa sa kanyang State of the Nation Address (SONA). Pero wala siyang awa para sa mga manggagawang-bukid na inaapi nila sa Luisita. Sampung taon nang walang hustisya – at pati na ang lupa na ikinamatay ng mga martir, ipinagkakait at inaagaw pa rin sa amin ng ganid na pamilya Cojuangco-Aquino,” sabi ni Sibayan.

Bukod sa kawalang hustisya sa mga biktima ng pagmasaker, patuloy umano ang pagkait ng lupa para sa mga manggagawang bukid at patuloy pa rin ang pandarahas kanila.

Ayon kay Sibayan, “bogus” ang programa sa lupa ng gobyerno. “Nakadisenyo ito para maangking muli ng pamilyang Cojuangco-Aquino ang lupain at manatili ito sa kanilang kontrol,”sabi pa niya.

Inaakusahan din ng Ambala ang pamilya ni Pangulong Aquino na kasama sa kasalukuyang agresibong landgrabbing, pagpapa-alis sa mga magsasaka, paninira ng pananim, panunog ng mga bahay, pambubugbog, iligal na pag-aresto at pagkulong.

Aquino, kasama sa akusado

Alyansa ng mga Magbubukid sa Hacienda Luisita

Sa unang resolusyon, ibinasura ang mga kaso laban sa mga sibilyang inaakusahan tulad ni dating Department of Labor Employement Sec. Patricia Sto. Tomas, Usec. Manuel Imson, Sherriff Francis Reyes at ilang miyembro ng angkang Cojuangco-Aquino. Sa ikalawang resolusyon, ibinasura naman ng korte ang mga kaso laban sa mga militar at pulis kabilang sina Catapang at Visaya.

Kasama sa mga inakusahang sibilyan si Pangulong Aquino na kongresista noon sa Tarlac at dating administrador ng pamilya sa kanilang negosyong asukal.

Kasong multilple murder, multiple frustrated murder, multiple attempted murder, theft at malicious mischief ang isinampa ng mga kaanak at biktima laban sa nabanggit na mga akusado.

Ang motion for reconsideration ay isampa nina Pastor Gabriel Sanchez at Violeta Basilio, mga magulang ng mga pinakabatang biktima ng masakaer na sina Juancho Sanchez at Jhaivie Basilio, kasama si Sibayan na isa sa mga sugatan noon.

Tinulungan sila magsampa ng mga abogado mula sa Sentro para sa Tunay na Repormang Agraryo, National Union of Peoples’ Lawyers, Public Interest Law Center, at Pro-Labor Legal Assistance Center.

Mayroong 52 biktima ang nagsampa noong Enero 2005, pero ibinasura ito sa unang resolusyon ng Ombudsman noong Hulyo 2005, at sa ikalawang resolusyon ng Ombudsman’s Military and Law Enforcement Offices noong Disyembre 2010.

Pitong manggagawang bukid ang namatay sa piketlayn sa asyenda matapos magpaputok ng baril ang mga sundalo, pulis at armadong tauhan ng Hacienda Luisita Inc. noong Nobyembre 16, 2004.

LETTER | Luisita landgrabbers cited ‘labor-law compliant’ by DOLE

$
0
0
Labor Sec. Rosalinda Baldoz helps inaugurate Luisita Industrial Park. Photo courtesy: <strong>DOLE Region III</strong>

Labor Sec. Rosalinda Baldoz helps inaugurate Luisita Industrial Park. Photo courtesy: DOLE Region III

LIHAM iconWhat kind of message is the Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Rosalinda Baldoz sending to the public in conferring unprecedented distinction to the Luisita Industrial Park – a hub widely-known to be part of the still dispute-ridden and controversial Hacienda Luisita estate?

While it is up to the workers themselves in the Luisita Industrial Park (LIP) to contest the ostentatious designation made by the DOLE in naming the LIP as the very first “Labor Law Compliant Eco-zone” in the country, this does not belie the fact that aggressive land grabbing and brazen human rights violations are continuously being perpetrated by the LIP administration under the Luisita Realty Corporation (LRC).

The LRC is one among the many notorious corporate avatars of the Cojuangco-Aquino family in Hacienda Luisita, where presidential sister Ballsy Aquino-Cruz is director while Pinky Aquino-Abellada and Viel Aquino-Dee sit as top stockholders.

DOLE’s conferment may be used to prop up the LRC’s pending application before the Philippine Economic Zone Authority’s (PEZA) Board to incorporate 260.4 hectares of agricultural land in Barangay Balete, Luisita to the existing Luisita Industrial Park complex. The PEZA granted the LRC a pre-qualification clearance on February 13, 2014, barely a week after the Cojuangco-Aquinos ordered the burning of farmers’ homes and the bulldozing of crops within the contested property.

Another Cojuangco-Aquino firm, Tarlac Development Corporation (TADECO) ordered the aggressive attacks against Hacienda Luisita farmers in Balete.  Violent eviction of farmers, bulldozing of ready-to-harvest palay crops and fencing off of the 260-hectare area from its tillers continued even after the Department of Agrarian Reform (DAR) affirmed the agricultural nature of the said property by issuing a Notice of land reform coverage (NOC) on December 17, 2013. The DAR did not lift a finger to stop TADECO’s assaults against Luisita farmers.

The headquarters of the 31st company of the 3rd Mechanized Battalion of the Philippine Army was constructed within this 260-hectare area last year with the blessings of the LRC. Soldiers have, since then, been practically deployed to serve in the Cojuangco-Aquino private army, intermittently mobilized to harass and evict farmers from the area. Bulldozers of the Cojuangco-Aquino family which were used to destroy farmers’ crops and homes are usually  parked right beside the army headquarters.

In successive incidents from September 2013 to March 2014, TADECO was able to evict tillers even without a court order through the deployment of private security guards, local police and fully-armed SWAT teams. The attacks resulted in the death of one of our members, Dennis dela Cruz, several cases of mauling, attempted murder and unlawful arrest, and the filing of harassment suits against hundreds of farmers.

Personnel – thugs – hired by the Cojuangco-Aquino family from the Great Star Security Agency, one of the Luisita Industrial Park’s subcontractors, are directly responsible for the violent attacks against farmers in Barangays Balete and Cutcut.  Great Star Security Services, Inc. was also declared compliant with General Labor Standards and issued Certificates of Compliance (CoC) yesterday, October 1, in a high-profile ceremony at the LIP compound which was graced by Baldoz herself.

Security guards from the Great Star Security Services Inc. are also involved in the shooting of a group of farmers in disputed farmlands in Barangay Maimpis, San Fernando, Pampanga on July 28, 2014. It seems that violation of human rights is their forte.

The Cojuangco-Aquinos are hell-bent on maintaining control of the Luisita estate and in implementing their grand master plan to convert the sugar plantation into a giant commercial hub, in contempt and complete reversal of the 2012 Supreme Court decision for total land distribution.

Ten years after the Hacienda Luisita Massacre, Luisita farmers are still denied land and justice. President BS Aquino’s alter-egos like Baldoz of  DOLE and Gil delos Reyes of DAR, act like extensions of this insatiable landlord family in ruthlessly extracting every last drop of blood, sweat and tears from Luisita farmworkers.

FLORIDA SIBAYAN
AMBALA – Unyon ng mga Manggagawa sa Agrikultura
56 K-9 St., Kamias, Quezon City

Larawan | Patuloy ang pagkait ng lupa sa mga magsasaka sa Hacienda Luisita

$
0
0

Isang buwan bago ang ika-sampung taon na anibersaryo ng masaker sa Hacienda Luisita.

Itinuturo ng magsasaka na si Rebecca Santos ang dating lupa sa Hacienda Luisita na kanyang binubungkal bago sirain ng mga tauhan ni Virgie Torres, dating pinuno ng Land Transportation Office at sinasabing malapit na kaibigan ni Pangulong Aquino   Plano rin na bakuran ang lupang ito para pigilan ang mga magsasaka na  muling bungkalin ang lupa. <strong>Macky Macaspac</strong>

Itinuturo ng magsasaka na si Rebecca Santos ang dating lupa sa Hacienda Luisita na kanyang binubungkal bago sirain ng mga tauhan ni Virgie Torres, dating pinuno ng Land Transportation Office at sinasabing malapit na kaibigan ni Pangulong Aquino Plano rin na bakuran ang lupang ito para pigilan ang mga magsasaka na muling bungkalin ang lupa. Macky Macaspac

Rebecca Santos ng Hacienda Luisita <strong>Macky Macaspac</strong>

Rebecca Santos ng Hacienda Luisita Macky Macaspac

Kawalang-hustisya sa mga magsasaka, lumalala sa ilalim ni Aquino

$
0
0
Martsa ng mga masasaka sa Mendiola, para patalsikin si Pang. Benigno Aquino III.<strong>Pher Pasion</strong>

Martsa ng mga masasaka sa Mendiola para ipanawagan ang pagpapatalsik kay Pangulong Aquino. Pher Pasion

Hindi nakikita ng magsasakang si Renato Mendoza na may tunay na repormang agraryo sa bansa sa ilalim ni Pangulong Aquino.

Ramdam ito sa mismong Hacienda Luisita na inaangkin ng pamilya ng Pangulo. Dito rin nagsasaka si Mendoza.

“Wala pa rin kaming sariling lupa hanggang sa ngayon sa kabila ng desisyon ng Korte Suprema na dapat ipamahagi na ang lupa. Gamit pa rin (ng pamilyang Aquino-Cojuangco) ang impluwensiya nito. Gamit pa rin nila ang mga militar at pulis para dahasin kami sa araw-araw,” ayon kay Mendoza, sa panayam ng Pinoy Weekly.

Kaisa siya sa libu-libong mga magsasaka sa pamumuno ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) na nagmartsa patungong Mendiola sa para kanilang ipanawagan ang pagpapatalsik kay Aquino sa puwesto.

Sinunog ng mga magsasaka ang imahe ni Pang. Aquino na nagpapakita nang paghahangad nito para sa ikalawang termino.<strong>Pher Pasion</strong>

Sinunog ng mga magsasaka ang imahe ni Pangulong Aquino na nagpapakita ng paghahangad nito para sa ikalawang termino. Pher Pasion

Para sa mga magsasaka, walang anumang maaasahang reporma sa lupa at magpapatuloy lamang ang pandarahas sa kanilang hanay kung mananatili pa si Aquino sa puwesto.

Wala sa gusto ng pangulo

Para sa KMP, mga kapwa panginoong maylupa ang pinagsisilbihan ni Aquino sa kanyang mga polisiya. Sa halip na isabatas ang Genuine Agrarian Reform Bill (GARB), pilit na binubuhay ng administrasyong Aquino ang Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP), ang batas na nagpanatili sa mga asyenda sa pagmamay-ari ng iilang panginoong maylupa sa bansa.

Ayon sa Ibon Foundation, institusyon ng independyenteng pananaliksik, isa si Aquino sa mga pangulong may pinakamababa o pinakamabagal sa pagmamahagi ng lupa. Siyam sa sampung magsasaka na dapat ay benepisaryo (ng pamamahagi ng lupa) ang walang sariling lupang sinasaka. Tatlo naman sa apat na magsasaka ang hindi kayang magbayad sa lupa dahil hindi libre ito sa ilalim ng CARP.

Nasa 19,700 ektarya kada buwan ang lupaing napapamahagi ng administrasyong Aquino. Malayo ito sa 27,600 ektarya kada buwan na average sa kasaysayan ng pamamahagi ng lupa ng mga administrasyon.

Pinuna rin ng Ibon ang pagiging bukas ng gobyerno sa dayuhang pag-aari at pagnenegosyo sa mga lupain sa bansa.

“Kinakaharap pa rin ng maraming magsasaka sa bansa ang kawalan ng sariling lupang sinasaka. Nariyan ang land use conversations o pagpapalit ng gamit sa lupa, pagpasok ng mga dayuhang minahan lalo na ngayon sa pagpasok ng Asean (Association of Southeast Asian Nations) Intergration 2015 at Trans-Pacific Partnership na dominado ng imperyalismong US,” ayon kay Antonio Flores, pangkalahatang kalihim ng KMP.

Banta rin sa mga magsasaka ang Charter Change. Hindi lang ito tungkol sa pagpapalawig ng termino ni Aquino. Mas mapanganib sa kanila ang pagpapahintulot ng 100 porsiyentong pag-aari ng mga dayuhan sa lupain ng Pilipinas, ayon kay Flores.

Pandarahas, panunupil

Kasabay ng kawalan ng tunay na repormang agraryo ang patuloy na pandarahas sa hanay din ng mga magsasaka, ayon sa KMP.

Nasa mahigit 100 biktima ng pamamaslang sa mga magsasaka ang naitala ng KMP sa ilalim ng Oplan Bayanihan ng administrasyong Aquino, ayon kay Joel Maglungsod, pangalawang tagapangulo ng KMP.

Tuloy ang laban para sa mga magsasaka sa kabila ng panunupil at pandarahas sa kanilang hanay.<strong>Pher Pasion</strong>

Tuloy ang laban para sa mga magsasaka, sa kabila ng panunupil at pandarahas. Pher Pasion

Laganap din ang pagdukot at pagsasampa ng gawa-gawang mga kaso sa mga lider-magsasaka. Matindi rin ang militarisasyon lalo na sa mga lugar na may sigalot sa usapin sa lupa, ayon kay Maglunsod.

Ayon naman kay Zen Soriano, napag-alaman ng kanilang international fact finding mission na matindi ang epekto ng patuloy na pandarahas sa hanay ng mga magsasaka at sa kanilang pamilya.

“Apektado ang kanilang pang-ekonomiyang kalagayan. Sinira ang kanilang pananim, binoldoser ang kanilang pananim, nawalan sila ng ikabubuhay. Nariyan na pati ang kanilang mga anak nahihinto sa pag-aaral,” ayon kay Soriano.

Dagdag pa ni Soriano, napipilitang lumpitang na lang sa ibang trabaho ang mga magsasaka. Ang iba ay namamasukang katulong o di kaya nakikilabada na lamang.

Patalsikin, hindi palawigin

Hindi pagpapahaba sa termino, kundi pagpapatalsik sa puwesto, ang dapat na gawin ng mga mamamayan kay Aquino, ayon sa mga magsasaka.

“Kaya naming isa-isahin ang isang libo’t isang dahilan kung bakit nararapat patalsikin si Aquino. Dapat siyang matanggal sa Malakanyang. Hindi namin mapapayagan na ma-extend ang kanyang termino kahit isang araw,” ayon kay Rafael Mariano, tagapangulo ng KMP.

Tanging si Aquino at mga kauri niya lang ang nakikinabang sa kasalukuyang sistemang pampulitika at pang-ekonomiya, pagtatapos ni Mariano.

Sampung taon ng inhustisya, sampung taon ng paglaban

$
0
0
HUSTISYA. Pinagmamasdan ng isang matanda ang mga naging biktima ng madugong masaker sa Hasyenda Luisita na pag mamaya-ari ng mga Conjuanco-Aquino na hanggang sa ngayon ay wala pa ring linaw na naparusahan. <strong>Boy Bagwis</strong>

HUSTISYA. Pinagmamasdan ng isang matanda ang mga naging biktima ng madugong masaker sa Hasyenda Luisita na pag mamaya-ari ng mga Conjuanco-Aquino na hanggang sa ngayon ay wala pa ring linaw na naparusahan. Boy Bagwis

HLM-XPinipilit na muling buhayin ng administrasyong Aquino ang matagal nang patay na programa para sa “reporma sa lupa”, ang Comprehenisve Agrarian Reform Program (CARP). Noong Setyembre, ipinasa sa Senado ang Senate Bill No. 2278 na naglalayong tapusin ang pagbibigay ng mga notice of coverage sa mga lupang saklaw ng CARP.

Pero marami ang naghuhumiyaw na halimbawa ng kapalpakan ng programa. Sa mismong lupain ng tinaguriang asenderong pangulo na si Pangulong Aquino, di-totoong naipamahagi ang lupa sa mga magsasaka. Muling napapasakamay ng pamilyang Cojuangco-Aquino ang malalawak na lupain, sa pamamagitan ng pangangamkam ng lupa ng kanilang angkan.

Kinakasangkapan ngayon ang Tarlac Development Corp. (Tadeco) na nasa kontrol ng pamilya, gayundin ng mga tulad ni Virginia Torres, dating hepe ng Land Transportation Office na kaibigan ni Aquino.

Habla sa pamilyang Cojuangco-Aquino

Kamakailan, muling nagsampa ng patung-patong na kaso ang mga miyembro ng Alyansang ng Magbubukid sa Asyenda Luisita (Ambala) laban sa kapatid ni Aquino na si Maria Elena “Ballsy” Aquino-Cruz, tiyuhin na si Jose “Peping” Cojuangco Jr., at board members ng Tadeco, kasama na si Torres at dalawang opisyal ng kapulisan sa Tarlac.

Kinasuhan sila ng mga magsasaka dahil sa “panlilinlang at pagmamaltrao sa kanila bunsod ng paggiit nila sa mga lupang binubungkal nila na bahagi ng proyektong bungkalan ng Ambala.” Labas sa ipinamahagi ng Department of Agrarian Reform (DAR) na lupang kakarampot batay sa kautusan ng Korte Suprema. Pero malinaw umano na bahagi ito ng Hacienda Luisita na dapat pakinabangan ng mga magsasaka.

Agarang dumepensa ang mga alipures ni Aquino sa Malakanyang at sinabing pakulo lamang ng Ambala ang mga paratang at hinamon pa na maglabas ng ebidensiya.

Sa panayam ng Pinoy Weekly, iginiit ng mga magsasaka na “bogus” ang ipinatupad ng DAR na pamamahagi ng Certificate of Land Ownership Award (CLOA) sa mga lumahok sa tambiolo raffle noon. Reklamo ng mga benepisyaryo dapat ng lupain, hindi ang lupang kanilang nilinang at pinagyaman ang ibinigay sa kanila.

“Dito na ako tumanda. Nagsasaka kami, sampung taon na ngayon. Tapos ganyan ang gagawin nila sa amin. Hindi naman totoo ‘yung CLOA na binibinigay nila,” ani Conchita Ocampo. Kasama siya sa 125 benepisyaryo na diniskuwalipika ng DAR dahil hindi sila lumahok sa tambiolo raffle.

Rebecca Santos ng Hacienda Luisita <strong>Macky Macaspac</strong>

Rebecca Santos ng Hacienda Luisita Macky Macaspac

Bogus

Katwiran ni Ocampo, ayaw niyang kumuha ng CLOA dahil “bogus” ito at 0.6 ektarya lamang ang nakasaad dito—bukod pa na nasa sa malayong lugar o ibang barangay ang ipinamahaging mga lupa.

Sinabi niya na matapos ang madugong welga ng 2004, at nagpanawagang bungkalin ang lupa, nilinang na ng kanyang pamilya ang halos limang ektaryang lupang malapit lamang sa kanilang lugar sa Brgy. Mapalacsiao. Pero nitong mga nakaraang buwan, matapos magpamahagi ng CLOA ang DAR, inaangkin na ng mga tauhan ni Virgie ang lupa at sinabing sila raw ang may-ari sa lupa.

“Pinarenta nila kay Torres ang lupa. Sinira pa nila ‘yung mga tanim na palay at mga gulay namin,” aniya. Kasama daw sa mga sumira sa kanilang mga pananim ang ilang taga-DAR na may kasamang mga pulis.

“Lumuhod na nga ang kapatid ko para pigilan ang pagsira sa palay namin. Anong magagawa niya, puro may mga baril ang mga kasama ng mga tauhan ni Torres,” aniya. Lehitimong benepisyaryo ang mag-anak ni Ocampo na mula pa noong 1968 nagtatrabaho sa dating tubuhan.

Hinaing ng mga manggagawang bukid na nakakuha ng CLOA, hiwa-hiwalay ang kakarampot na lupang ipinamahagi at nasa malalayong lugar.

“Sana ang ginawa ng DAR, kung ano ang sinaka at pinagyaman na lupa ng mga tao rito ‘yun na ang pinamahagi. Kung sobra ang ektarya, handa naman sila na bawasan ito,” ani Rebecca Santos na nawala ang pangalan sa master list ng mga benepisyaryo kaya’t napilitan na ring magbungkal ng sarling lupa.

“Ang masakit, marami sa mga nakakuha ng CLOA, hindi totoo na naging manggagawang bukid ng asyenda. Ni hindi narumihan ang kanilang mga kamay sa pagbungkal ng lupa. Kaya madali rin sa kanila na ibenta at iparenta ang lupa,” sabi niya.

Isa rin sa mga binuldoser na pananim ang lupang binungkal ni Santos. “Malaki ang nawala sa amin: palay, saging at gulay,” aniya.

Binenta ang CLOA

Iba naman ang kuwento ni Lucia (di-tunay na pangalan). Ibinenta niya ang kanyang CLOA sa halagang P250,000.

“Napilitan akong ibenta ang CLOA ko kasi mahirap ang buhay namin. Hindi naman namin masasaka ‘yung lupang binigay dahil malayo, nasa ibang barangay. ‘Yung lupang sinasaka namin ng pamilya ko, may ibang nakakuha,” sabi niya. Isang Ronnie Reyes daw ang bumili ng kanyang CLOA at sinabing nakarenta raw ang lupa kaya hindi ibinigay ang kabuuang kabayaran nito. Dagdag pa niya, ibinili niya ng traysikel ang nakuha sa pagbenta. Ang napunta sa kanya ay P210,000 lamang.

Sabi pa ni Lucia, maging ang kanyang dalawang anak, ibinenta na rin ang kanilang CLOA. “Iyung isa, binenta niya ng P120,000 at yung isa P300,000 naman. Pero ang binigay, P200,000 lang,’aniya.

Pero bakas sa kanyang mukha ang lungkot habang ikinukuwento ang pagbenta ng nakuhang CLOA.

Gayundin, ilan sa mga nakausap ng Pinoy Weekly ang nagsabing ipinarenta na lang nila sa mga tauhan ni Virgie Torres at sa ibang tao na dating mga superbisor ng mga Cojuangco ang kanilang mga CLOA.

“Pinarenta ko ng P14,000 ‘yung nakuha kong lupa noong Mayo. Pero isang taon lang at hindi ko binigay ang dokumento ko,” sabi ni Ana Goralan. Sabi niya, kailangan daw niya ng pera noon dahil kailangan sa pagpapaaral sa kanyang tatlong anak na nasa hayskul.

“Ayaw nilang tumigil sa pag-aaral, kaya napilitan akong iparenta ang lupa,” aniya.

Isinasaad sa kasunduan nang pamamahagi ng lupa na hindi maaaring ibenta, isangla o iparenta ang lupang ipinamahagi ng DAR sa loob ng ilang taon. Nakasaad din na bubungkalin ng benepisyaryo ang lupang ipinamahagi.

Pero sa kaso ng mga taga-asyenda, kakarampot na lupang hindi naman kayang tustusan ang isang pamilya ang naipamahagi. Bukod pa sa hiwa-hiwalay ito at naging sanhi pa ng away ng mga taga-asyenda ang pormula ng DAR. Wala rin suporta ang gobyerno para sa kanila para paunlarin ang kanilang produksiyon.

Pero ang kolektibong pagtatanim—ang proyektong bungkalan na di hamak na mas produktibo at kapaki-pakinabang sa mga magsasaka at manggagawang bukid na kaanib ng Ambala—ang tuluy-tuloy na winawasak ng mga alayado at alipures ni Aquino, sa tulong ng DAR.

#HLMX | Hacienda Luisita: Senaryo ng Lagim

$
0
0
Duguan si Jesus Laza matapos ang pagpapaputok ng mga pulis at militar sa piketlayn ng mga manggagawang bukid ng asyenda, Nobyembre 16, 2004. Video grab mula sa "Sa Ngalan ng Tubo"

Duguan si Jesus Laza matapos ang pagpapaputok ng mga pulis at militar sa piketlayn ng mga manggagawang bukid ng asyenda, Nobyembre 16, 2004. Video grab mula sa “Sa Ngalan ng Tubo”

EDITOR’S NOTE: Ang artikulong ito ay lumabas sa print issue ng Pinoy Weekly noong Nobyembre 24-30, 2004 isyu nito, o mahigit isang linggo matapos ang malagim na masaker sa Hacienda Luisita. Muling inilalathala ng PW ito para sariwain ang nangyari noon sa asyendang inaangkin ng pamilya ni Pangulong Aquino. Si Aquino ang tumayong tagapagsalita ng pamilyang Cojuangco-Aquino noong naganap ang masaker, Nobyembre 16, 2004.

HLM-X3:12 ng hapon, ika-16 ng Nobyembre: nagsimulang basain ng tubig mula sa fire trucks ng dispersal teams ng Philippine National Police at 69th at 703rd Infantry Battalion ng Philippine Army ang hanay ng mga nagwewelgang manggagawa at manggagawang bukid ng Hacienda Luisita.

Mula sa loob ng Gate One ng Central Azucarera de Tarlac nakapuwesto ang fire trucks ng nagpasabog ng tubig na ayon sa mga welgista ay “mabaho, parang may sosa at hinaluan ng pinagtabasan ng bakal”. Ngunit tulad ng nakaraang mga tangkang dispersal (noong Nobyembre 6 at 8), hindi natinag ang mga welgista.

Pumwesto ang dalawang armoured personnel carriers (APC) at 14 trak ng mga sundalo at pulis sa loob ng bakod ng pabrika. Sinimulan din ang pag-itsa ng mga kanister ng teargas sa tangkang paalisin ang mga nakabarikadang miyembro ng United Luisita Workers Union (ULWU) at Central Azucarera de Tarlac Labor Union (Catlu) sa Gate One.

Bato lang ang sandata

Sandaling umatras ang mga welgista sa bawat pagbagsak ng kanister. Ngunit agad naman silang babalik sa hanay paglaho ng usok. Kuwento ni Danilo Garcia, 42, welgistang miyembro ng ULWU, sa dami ng initsang kanister ay napag-isipan ng ilan na iitsa naman ito sa mga pulis sa loob ng gate. Ang ginawa ng iba, tinakpan ng basang tela ang umuusok na kanister at pagkatapos ay binato sa mga pulis.

Ang ilan naman sa mga welgista, aniya, ay dumating nang handa matapos ang nakaraang marahas na mga dispersal. May baon nang tirador at malalaking bato ang ilan na magsisilbing armas nila kung sakaling muling gamitan sila ng dahas ng dispersal teams.

Ayon sa mga kuwento ng mga welgista, pinaulanan ng bato ng ilan nilang kasamahan ang APC at fire truck na nakapuwesto sa harap ng Gate One. Katunayan, halos mawasak ang bubong ng guard house ng Gate One dahil sa malalaking batong inihagis dito. Samantala, sa kapikunan, nakipagbatuhan na rin ang ilang pulis sa mga welgista. Marami rin ang tinamaan, kabilang na ang cameraman ng ABS-CBN na si Paul Viray, na nasapul sa mukha at kailangang itakbo sa ospital.

Di nagtagal nang simulang tangkain ng APC na buwagin ang barikada sa harap ng Gate One. Sinira nito ang kaliwang bahagi ng bakod at sinimulang sagasaan ang itinayong barikada. Muli, inulan ng bato ang APC, na umatras naman papasok ng bakod. Tatlong beses umatras at umabante ang APC, hindi makaabante sa matinding pagbabato ng mga welgista.

Kuwento ng mga saksi, nagsipagtakbuhan ang ilang welgista papasok sa nasirang bakod matapos huling umatras ang APC. Gamit ang bato at tirador, masayang sinugod ng mga ito ang hanay ng mga pulis na nagtatago sa malalaking shield.

Pagsapit ng 3:51 ng hapon, tila nagtatagumpay na ang mga welgista na ipagtanggol ang kanilang barikada. Tulad ng nangyari noong Nobyembre 8, matagumpay na napaatras ng mga welgista ang mga pulis.

Ngunit matapos nito ay nangyari ang lubos na kinatatakutan ng mga welgista.

Infographic ng masaker sa Hacienda Luisita na lumabas sa PW, Nob. 24-30, 2004. Dibuho ni <strong>Allan Nam-ay</strong>

Infographic ng masaker sa Hacienda Luisita na lumabas sa PW, Nob. 24-30, 2004. Dibuho ni Allan Nam-ay

Alingawngaw ng mga bala

“Nakita kong nakaposisyon sa puno ng akasya, sa likod ng gasolinahan, ang snipers,” kuwento ni Garcia. Nang magsimula ang putukan, nakapuwesto siya sa gitna mismo ng hanay ng mga welgista. Dumapa ang ilan pagkarinig ng unang putok. Ngunit sa pag-aakalang blank bullets lang ang gamit ng snipers, sumigaw umano si Garcia sa mga kasama niya na huwag umatras.

Isa sa mga nakita ni Garcia na nakadapa nang magsimula ang putukan ay si Jesus Laza, taga-Brgy. Parang ng asyenda. “Nang mapansin kong kumakaway sa akin na parang humihingi ng tulong, nilapitan ko siya,” sabi ni Garcia. Nadatnan niyang duguan si Laza. Kasama ang isa pang welgista, naglakas-loob silang buhatin si Laza palayo sa putukan para isakay sa traysikel.

Kuwento pa ni Garcia, habang tinutulungan niya si Laza ay nakita rin niyang may tama sa leeg si Jaime Pastidio, na kabarangay niya sa Brgy. Motrico. Tinangka niyang lapitan rin si Pastidio ngunit hindi niya ito nalapitan dahil umulan ng bala sa pagitan nila.

Nakita ni Garcia na tinutulungan din si Pastidio ng isa pang welgista na kabarangay nila, si Jose Pascual, 34, ng Motrico. Binuhat din ni Pascual si Pastidio na may tama ng bala na pumasok sa kanang panga at lumabas sa kanang leeg. Tulad ni Garcia, dinala rin ni Pascual si Pastidio sa traysikel para itakbo sa St. Martin de Porres Hospital sa loob ng asyenda.

Sabi ni Garcia at Pascual na wala silang nadatnang baril sa dalawang tinamaang kapwa welgista—kaiba sa ibinibintang ng pulisya at manedsment ng asyenda.

Samantala, nasa loob ng bakod ang ilang welgista nang magsimula ang putukan. Ayon sa ilang saksi, nakita nilang tinamaan sa binti si Jhaivie Basilio, 20, mula sa Brgy. Mapalacsiao na tagalinis ng tubo sa pabrika. Sa kalituhan, nagtago ang sugatang si Basilio sa gilid ng fire truck. Doon umano siya natagpuan ng ilang sundalo at kinaladkad papasok. Sumunod pang araw, nakita umano ang bankay ni Basilio, puno ng pasa at may tama ng bala sa dibdib maliban pa sa tama niya sa binti.

Nasa loob naman ng bakod si Jessie Valdez, 30, miyembro ng ULWU at taga-Brgy. Balite. Sa tapat ng estasyon ng gasolina kung saan nakapuwesto sa likod ang snipers, tumakbo si Valdez at iba pa. Inakyat nila ang bakod nang tamaan siya ng bala sa kanang hita. Sa sinumpaang salaysay ng nakasaksing si Dodi Flores, 13, na taga- Brgy. Balite, sinabi niyang matapos bumagsak sa lupa si Valdez ay pinaghahampas ito ng armalayt at kinaladkad ng mga sundalo papasok. Ayon kay Andres Valdez, ama ni Jessie, nakita niya ang bangkay ng anak na may pasa sa magkabilang baiwang, katulad ng inilahad ni Flores.

Sa gitna ng putukan

Batay naman sa mga saksi, nasa gitna ng putukan nang sagasaan ng APC si Juancho Sanchez, 20, ng Brgy. Balite. Tagasuporta lang ng welga si Sanchez, na anak ng isang pastor na dating manggagawang bukid sa asyenda. Nagdadala lamang umano ng tubig si Sanchez para sa mga welgista na naghuhugas ng mata dahil sa teargas.

Kabilang din sa mga walang kalaban-labang tinamaan sa putukan at namatay sa iba’t ibang ospital sina Jun David at Adriano Caballero Jr.

Lahat ng nakaligtas sa putukan ay nagsipagtakbuhan sa karatig na mga barangay, tulad ng Texas at Balete. Ayon pa sa ilan, maaaring may mga nagtago pang sugatan sa mga tubuhan na nakita ng mga sundalo at ipinasok sa bakod. Nagsagawa kasi ng pagsosona ang mga sundalo sa gabi para lipulin ang mga suspetsadong welgista at ikulong. Ayon kay Rene Galang, pangulo ng ULWU, karamihan sa mga nahuli (103 sa 111 na nahuli) ay mga sakada, tagasuporta sa welga o drayber ng mga trak ng asyenda, hindi mismong mga welgista na nagsitago na matapos ang masaker.

Sabi pa ni Galang, hindi kukulang sa 116 katao noong gabing iyon ang binugbog, hinuli at ikinulong sa Kampo Macabulos at Kampo Aquino na Northern Luzon Command Headquarters sa Tarlac City.

Samantala, sa sertipikasyon ng punerarya na nag-ayos sa labi nina David, Laza at Sanchez, sinabi ni Fortunato Castro Jr., operations manager ng Arceo’s Memorial & Funeral Services, na walang ginawang paraffin test ang sinumang pulis o militar sa tatlong bangkay. Gayundin din ang sabi ng kaanak ng iba pang biktima na nakasaksi sa autopsy at pag-aayos sa punerarya.

Pinatay na sakada

Kumpirmado naman ng maraming saksi ang pagkamatay ng di-kilalang mag-ama. Isang sakada (panahunang manggagawang bukid sa tubuhan) mula sa Negros ang ama na tulad ng ibang sakada ay nakatira sa kubol malapit sa lugar ng welga. Namatay sa asphyxiation (hindi makahinga) ang isang sanggol ng naturang sakada dahil sa usok ng teargas na nakapasok sa kubol.

Ayon sa mga saksi, nakita nilang sumugod sa galit ang ama ng sundalo matapos matagpuang patay ang kanyang anak. Pinagraratrat siya ng bala ng snipers.

Sa kasamaang palad, hindi pa matagpuan ang bangkay ng nasawing sakada at ang kanyang sanggol. Haka-haka ng ilang tagaroon na ipinasok ng mga sundalo sa loob ng bakod ang katawan ng dalawang nasawi. (Hindi ito makumpirma.) Hanggang ngayon, hindi pa rin matagpuan ang lokal na mga kontraktor na namagitan sa pagkuha ng Azucarera ng mga sakada mula sa Negros.

Hanggang sa huling ulat, aabot mula 10 hanggang 16 pang welgista ang nawawala ang hinahanap ng mga kaanak. Nangangamba ang mga kaanak na kabilang ang mga nawawala sa mga sugatang kinaladkad umano ng mga sundalo papasok ng Azucarera. Dalawang magkahiwalay na saksi naman ang nagsabi na may kakilala silang manggagawa sa Azucarera na inamin sa kanila na may sampung katao (hindi alam kung patay o buhay) na “ginatong sa kugon” ng pabirka noong gabi ng ika-16 ng Nobyembre.

Kung totoo ito, maaaring sinunog ng mga “berdugo” ang mga bangkay para hindi na madagdagan pa ang bilang ng mga kilalang napaslang.

(Basahin: Sampung taon ng inhustisya, sampung taon ng paglaban)

Panoorin sa ibaba: Bidyo-dokumentaryong “Sa Ngalan ng Tubo” ng Eiler, Tudla Productions, POKUS Gitnang Luzon at Mayday Multimedia

#HLMX LIVE COVERAGE | Sampung taong inhustisya sa #HaciendaLuisita

$
0
0
Kampanyang bungkalan sa Hacienda Luisita noong 2010, matapos ang desisyon ng Korte Suprema na nag-uutos sa pamamahagi ng mga lupain ng asyenda sa mga magsasaka. <strong>KR Guda/PW File Photo</strong>

Kampanyang bungkalan sa Hacienda Luisita noong 2010, matapos ang desisyon ng Korte Suprema na nag-uutos sa pamamahagi ng mga lupain ng asyenda sa mga magsasaka. KR Guda/PW File Photo

Ngayong Nobyembre 16, 2014, sampung taon na mula nang mangyari ang masaker sa Hacienda Luisita. Marami na ang nangyari mula noon. Umigting ang panunupil, nagpatuloy ang pamamaslang. Nagtagumpay ang mga magsasaka sa legal na laban sa Korte Suprema. Pero hindi ito maayos na ipinatupad ng gobyerno, at lalong di sinusunod ng pamilyang Cojuangco-Aquino.

HLM-XKinakaharap ngayon ng mga magsasaka sa 6,435 ektaryang asyenda ang patuloy na pang-aagaw ng pamilya ni Pangulong Aquino sa mga lupaing pinagtatamnan at pinayayaman na ng mga magsasaka. Pero di rin napatid ang paglaban ng mga magsasaka. Sa ika-sampung taon, ipinapamalas nila ang pagkakaisa at pagpapatuloy ng paggiit sa karapatan. Pakinggan natin sila.

Ito ang espesyal na coverage ng Pinoy Weekly Online sa dalawang-araw na paggunita at pagprotesta ng mga residente at magsasaka ng Hacienda Luisita, kasama ang mga tagasuporta nila, sa sampung taon ng pakikibaka. Sundan ang aming updates sa social media: Twitter at Facebook, at sa pahinang ito.



#HLMX | Nagpapatuloy ang laban sa #HaciendaLuisita

$
0
0
Alay sa kanila
Sa Mendiola Bridge, Manila, nag-alay ng awit ang artista at dating bilanggong pulitikal na si Ericson Acosta sa mga magbubukid ng Hacienda Luisita at sa mga martir ng masaker, 10 taon na ang nakararaan. KR Guda
Taas-kamao
Pagpapakita ng militansiya sa paggunita ng 10 taon ng masaker sa Hacienda Luisita, sa Mendiola, Manila noong Nob. 15. KR Guda
Trigger-happy si Aquino
Sinunong ng mga demonstrador ang cutout ni Pangulong Aquino bilang trigger-happy na militarista sa Mendiola. KR Guda
Sampung taon
Nakasabit na mga poster ng paggunita sa 10 taon ng kawalan ng hustisya. KR Guda
Batang odyens
Mayorya ng nasa odyens sa konsiyerto ay mga bata ng Luisita. KR Guda
Pakikiisa ng artista
Nakiisa ang artista sa teatro at aktibistang si Monique Wilson sa mga magbubukid ng Hacienda Luisita sa pamamagitan ng pagtatanghal ng dalawang kanta. Pher Pasion
Inspirasyon
Sinabi ni Bayan Muna Rep. Neri Colmenares na inspirasyon ang pakikibaka ng mga mamamayan ng Luisita sa kanilang progresibong mga mambabatas sa Kamara. KR Guda
Ginunita
Naluha si Emmy Ladera, konsehal sa Tarlac, nang alalahanin ang kanyang kapatid na si dating konsehal Adel Ladera, na pinaslang halos 10 taon na rin ang nakaraan. KR Guda
Mag-ina sa paglaban
Lumuha ni Angela, anak ng lider ng Alyansang mg mga Magbubukid sa Asyenda Luisita o Ambala na si Pong Sibayan, habang ipinapangako sa ina na ipagpapatuloy ng bagong henerasyon ang laban ng kanilang mga magulang. Maging si Pong ay naluha sa pagsalita ng anak. KR Guda
Alay sa mga martir
Binigwas ng mga tagasuporta ang kanilang kamao sa hangin bilang pagpugay sa mga martir ng masaker sa Hacienda Luisita. KR Guda
Simula ng martsa
Nagtipon ang daan-daang residente at tagasuporta sa Brgy. Balete para magsimulang magmartsa patungong Gate One, lugar ng masaker, noong Nob. 16. KR Guda
Patungong Gate One
Nagwagayway ang watawat ng Ugnayan ng mga Manggagawa sa Agrikultura o UMA sa harap ng martsa ng mga residente at tagasuporta. KR Guda
Eksibit ng larawan
Ipinaskil sa mga pader ng asyenda ang mga larawan ng welga sa asyenda sampung taon na ang nakararaan, ng photojournalist na si Jes Aznar. KR Guda
Suporta ng migrante
Sumuporta sa laban ng mga magbubukid ang mga kaanak ng migrante sa ilalim ng Migrante International. Pher Pasion
Bantay sa tubuhan
Bantay ng mga seguridad ng Central Azucarera de Tarlac ang dumadaang trak ng tinabas na mga tubo, habang nakasabit sa harap ang mga poster na naggugunita sa masaker. KR Guda
Sa kubol
Sa kubol na hinihimpilan ng mga manggagawang bukid ng United Luisita Workers' Union o ULWU, ang isa sa dalawang unyon sa asyenda na naglunsad ng welga noong 2004. Pher Pasion
Pasasalamat, paghayag ng paglaban
Nagpasalamat si Pong Sibayan ng Ambala sa lahat ng tagasuporta ng mga magbubukid, at ipinangakong ipagpapatuloy nila ang paghangad ng hustisya at tunay na reporma sa lupa sa asyenda. KR Guda
Graffiti
Isa sa mga graffiti ng iba't ibang visual artists na nakiisa sa mga mamamayan ng asyenda. KR Guda
Tuloy ang negosyo
Tuloy ang negosyo ng asukarerang pag-aari ng pamilyang Cojuangco-Aquino. Pher Pasion
Kandila
Nag-alay ng mga kandila para sa mga biktima ng masaker ang mga tagasuporta. Pher Pasion
Pagtitipon
Nagtipon ang daan-daang tagasuporta at residente sa harap ng Gate One ng Central Azucarera de Tarlac para muling ihayag ang panawagang hustisya para sa mga biktima ng masaker at panunupil sa asyenda. KR Guda
Misa
Nagsagawa ng misa ang mga pari sa harap ng Gate One ng asukarera. KR Guda
Makata, nakiisa
Nagsulat ng tulat ang isang kabataang makata sa Gate ng asukarera. KR Guda
Mga panawagan
Naka-stencil na mga panawagan sa Gate One ng asukarera. KR Guda
Wala pa ring hustisya
Sa Gate One ng asukarera. KR Guda
Muli, taas-kamao
Muli, nagtaas ng kamao ang mga tagasuporta at mga mamamayan ng asyenda bilang pagpugay sa mga martir. KR Guda
Mga mamamayan ng asyenda na dumalo sa Solidarity Night at konsiyerto para sa paggunita sa masaker na ginawa sa Brgy. Balete noong Nob. 15. <strong>KR Guda</strong>

IKLIK PARA LUMAKI. Mga mamamayan ng asyenda na dumalo sa Solidarity Night at konsiyerto para sa paggunita sa masaker na ginawa sa Brgy. Balete noong Nob. 15. KR Guda

Sampung taon na ang nakaraan, pero batid nilang mahaba pa ang laban para makamit ang tunay na hustisya at reporma sa lupa.

Ito ang mensahe ng paggunita ng mga mamamayan ng Hacienda Luisita at mga tagasuporta nila ang ika-10 taong anibersaryo ng masaker noong Nobyembre 16, 2004. Noong araw na iyon, pitong welgista ang napaslang.

Naging hudyat ang pangyayaring ito ng tuluy-tuloy na panunupil ng pamilyang Cojuangco-Aquino hanggang ngayon.

“Masakit pa rin, dahil hanggang ngayo’y wala pa ring hustisya. Siya lang ang nag-iisa kong (anak na) lalaki. Siya nga lang sana ang inaasahan ko hanggang pagtanda. Wala kaming kaagapay kundi lamang sana siya,” kuwento ni Violeta Basilio, 47, tungkol sa anak niyang si Jhaivie Basilio na isa sa pitong pinaslang sa masaker.

Pangalawa sa apat na magkakapatid si Jhaivie na 20 taong gulang nang mapatay. Ulila na rin sa ama si Jhaivie na nasawi limang buwan bago ang masaker.

Kasama ni Violeta ang mga kapwa kaanak ng mga biktima, gayundin ang daan-daang residente at tagasuporta ng laban ng mga magsasaka. Panawagan nila, muling-buksan ng awtoridad ang kaso laban sa pamilyang Cojuangco-Aquino, na gumamit ng dahas ng estado para supilin ang lehitimong welga ng noo’y mga manggagawang bukid at manggagawa sa tubuhan at asukarera.

Martsa ng mga mamamayan ng Asyenda Luisita sa barangay Balete. Kinukuhanan sila ng mga litrato at/o video ng mga guwardiya sa binakurang bahagi ng barangay habang nagdaraan. Isa itong porma ng panghaharass sa kanilang hanay.Pher Pasion

Martsa ng mga mamamayan ng Luisita sa Barangay Balete. Kinukuhanan sila ng mga litrato at/o video ng mga guwardiya sa binakurang bahagi ng barangay habang nagdaraan. Pher Pasion

Dapat managot

“Sampung taon na, hanggang ngayo’y wala pa ring hustisya. Nakaluklok ngayon (si Presidente) Aquino (na) berdugo. Dapat siyang patalsikin at pagbayarin,” ayon kay Florida Sibayan, tumatayong tagapangulo ng Alyansa ng mga Magbubukid sa Asyenda Luisita o Ambala.

Sinabi naman ni Bayan Muna Rep. Neri Colmenares, ang isyu ng Hacienda Luisita ay hindi lamang isyu ng hustisya para sa mga biktima ng masaker. Ang isyu rin dito’y di pagpapatupad ng tunay na repormang agraryo na hangad ng lahat ng magsasaka.

“Sinungaling si Aquino kapag sinasabi niyang may hustisya, may katarungan dito sa Pilipinas. Ano ang pruweba ng kanyang kasinungalingan? Hacienda Luisita. Kaya sinungaling si Aquino kapag sinasabi niyang umuunlad ang bansa natin sa ilalim ng kanyang administrasyon. Ano ang patunay sa kaniyang kasinungalingan? Hacienda Luisita,” ayon kay Colmenares.

Para naman kay Randall Echanis, deputy secretary general ng Unyon ng mga Manggagawa sa Agrikultura o UMA, larawan ang Luisita ng nabubulok na sistema ng lipunan. Ang naabutan na masaker ay bahagi lamang ng mahigit kalahating siglo ng pagsasamantala sa mga mamamayan sa kamay ng mga panginoong maylupa at burgesya komprador tulad ng pamilyang Cojuangco-Aquino.

“Ang pasismo’y isang patakaran, isang sistemang iniluluwal ng kasalukuyang lipunan natin. Ang kongkretong halimbawa nito itong masaker sa Hacienda Luisita. At hindi rito natatapos ang pamamaslang. Patakaran ng mga panginoong maylupa at rehimen ang pamamaslang dito,” ayon kay Echanis.

Dagdag niya, nagpapatuloy ang mahaba at marahas na sistema ng piyudalismo sa bansa. Pinapanatili nito na atrasado ang agrikultural na ekonomiya ng bansa para pagkunan ng hilaw na mga materyales ng imperyalistang mga bansa.

Kaya mananatiling mahirap ay dahil monopolyado ng iilan ang agrikultural na mga lupa, at busabos ang kalagayan ng mga magsasaka hindi lamang sa Luisita kundi maging sa iba pang lupain sa bansa, aniya.

Binakuran ng RCBC at Tarlac Development Corp. ang mga lupain sa Asyenda Luisita na hindi daw kasama sa desisyon ng Korte Suprema. Sinira ang mga pananim ng mga magsasaka ng sila ay paalisin sa binubungkal nilang lupa.Pher Pasion

Binakuran ng RCBC at Tarlac Development Corp. ang mga lupain sa Hacienda Luisita na hindi raw kasama sa desisyon ng Korte Suprema. Sinira ang mga pananim ng mga magsasaka nang sila ay paalisin sa binubungkal nilang lupa. Pher Pasion

Tuloy ang karahasan

Hindi lang kawalang hustisya ang kanilang panawagan sa anibersaryo ng masaker.

Sigaw din ng mga mamamayan ng asyenda ang pagtigil sa harassment sa kanilang hanay at panlilinlang sa mga mamamayan ng  pinagsamang puwersa ng mga guwardiya, pulisya, militar, at maging private armies umano ng pamilyang Cojuangco-Aquino.

“Disyembre 21 (2013) paskung-pasko, ako primaryang tinira nila. Binuldoser nila ang mga tanim ko. Pati mga alaga kong hayop. Marami, pati yung tinda kong saging kinain nila. Yung kubo ko sinunog nila,” ayon kay Raymundo Alkalde, 60, mula sa barangay Balete.

Hindi binibitiwan ng pamilyang Cojuangco-Aquino ang kontrol sa Luisita sa kabila ng pinal na desisyon ng Korte Suprema noong 2012 na pabor sa mga magsasaka na ipamahagi sa kanila ang lupa.

Nitong huling mga taon, binakuran ang ilang bahagi ng asyenda na hindi raw kasama sa desisyon ng Korte Suprema. Inaangkin ngayon ang mga bahaging ito ng RCBC at Tarlac Development Corp., kompanyang kontrolado ng pamilyang Cojuangco-Aquino.

“Sinira ‘yung palay ko na kulang isang ektarya. Pinangutang ko lang iyon ng P20,000. Hanggang ngayon binabayaran ko pa,” ayon kay Alfredo Quirante, 59, mula sa barangay Cut-Cut II. Kasama umanong sinira ang kaniyang poso at iba pang pananim gaya ng papaya.

Ayon naman kay Sibayan, nagpapatuloy ang mga pananakot at paniniktik ng mga ahente ng militar sa mga barangay para kilalanin at takutin ang mga mamamayan na lumalaban.

“Patuloy na umiikot ang mga nakasibilyan na mga militar, pulis, at mga intelligence kahit hanggang ala-una ng madaling araw. Nung huli, mga naka-jacket, mga bata pa, mga nakapang-combat,” ayon kay Sibayan.

Bukod pa rito, nakatanggap din si Sibayan ng death threats sa kanyang cellphone na nagsasabing pupulutin na lang daw ang ulo niya sa daan. Sinubukan na rin siyang suhulan ng P1 Milyon pero tinanggihan umano niya ang nagpakilalang “Atty. Diaz” ng RCBC.

“Yung isang milyon (piso) makakapagpatayo ka ng bahay, makakabili ka ng gamit, makakain ka ng masarap. Pero ‘yung pagtingin at tiwala na ibinibigay sa iyo ng mga tao, hindi mo na maibabalik iyo,” ayon kay Sibayan.

Imbes na pisikal na ipamahagi ang lupa sa mga magsasaka ng asyenda, idinaan ito sa “tambiolo.” Sa ganitong paraan, binubunot ang mga lupang ipamamahagi umano sa mga magsasaka. Pero mapanlinlang ito, ayon sa UMA.

Dito pawang mga kopya o photo copy lamang ng mga titulo ng lupa ang natanggap nila, at kanila pang babayaran ito bago tuluyang ibigay ang lupa.

Kaya naman marami sa mga mamamayan ang hindi lumahok dito. Habang ang iba naman, napilitang ibenta o isangla dahil sa walang perang ipambabayad.

Wala pa ring hustisya

Tinayo ng United Luisita Workers Union (ULWU) noong Nobyembre 6, 2004 ang piketline sa Gate 1 ng Central Azucarera De Tarlac matapos ang mabigo ang negosasyon sa management. Kalauna’y nakiisa sa welga ang mga miyembro ng Central Azucarera de Tarlac Labor Union (Catlu).

Ilang beses silang dinahas pero nanatiling matibay ang pagkakaisa ng mga welgista. Noong Nobyembre 16, 2004, matapos matagumpay na depensahan ng mga welgista ang kanilang piketlayn, pinaulanan ng bala ang welga.

Matapos ang sampung taon, wala pa ring napaparusahan sa pagpaslang sa pitong magsasaka nang pagbabarilin sa sila sa kanilang piketline. Tinangka silang buwagin ng pinagsamang puwersa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) sa bisa ng Assumption of Jurisdiction ng Department of Labor and Employment.

Nauna nang itinanggi noon ng PNP na sa kanila nanggaling ang mga putok. Kanilang itinuro ang mga welgista na may kasalanan daw sa masaker.

Maliban sa pitong napatay, daan-daan naman ang mga sugatan at inaresto noong araw na iyon.

Nagpatuloy ang pamamaslang sa mga lider at tagasuporta ng welga ng mga manggagawa at manggagawang bukid para sa dagdag na sahod, dagdag na benepisyo, dagdag na araw nang paggawa, at pagbabalik sa mga tinanggal na mga opisyal ng unyon.

Kabilang sa mga pinaslang sina Abel Ladera, konsehal ng Tarlac City, Marcelino Beltran, Florante Collantes ng Bayan Muna-Tarlac, at Ricardo Ramos presidente ng CATLU at kapitan ng barangay Mapalacsio. Pinaslang din sa sumunod na mga buwan sina Fr. William Tadena, at Obispo Alberto Ramento, kapwa mula sa Iglesia Filipina Independiente na mahigpit na suporta sa welga.

Sa kasalukuyan, pinatunayan naman ng desisyon ng Korte Suprema na dapat ipamahagi na ang lupa sa mga magsasaka ng Luisita. Ibig sabihin, ang mga manggagawa at manggagawa bukid na dapat ang nagmamay-ari ng lupain.

Florida Sibayan, opisyal ng Alyansa ng mga Magbubukid sa Asyenda Luisita o Ambala sa kaniyang talumpati sa mismong lugar na pinangyarihan ng masaker.Pher Pasion

Florida Sibayan, opisyal ng Alyansa ng mga Magbubukid sa Asyenda Luisita o Ambala sa kaniyang talumpati sa mismong lugar na pinangyarihan ng masaker. Pher Pasion

Pagpapatuloy ng laban

“Alam natin na ang paghinto ng tibok ng puso ng ating mga martir sa Asyenda Luisita ay kasabay ng pagkakamulat ng mga mamamayan sa tunay na adhikain ng mga adhikain ng mga panginoong maylupa at tuluyang ipagkait ang lupa,” ani Emy Ladera-Facunla, kagawad sa Tarlac City at kapatid ng pinaslang na dating kagawad na si Abel Ladera.

Sinabi naman ni Isagani Pastidio, 32, anak ni Jaime Pastidio na isa sa mga nasawi sa masaker, ipagpapatuloy niya ang laban na iniwan ng kanyang ama. Maging ang kaniyang mga kapatid at mga anak, nakahandang ipagpatuloy ito, sabi pa niya.

“Dinibdib ng tatay ko ang pagsama dito, kaya maging ako didibdibin ko rin ang pagsali rito. Itutuloy ko pa rin ang kanyang laban,” ayon kay Isagani.

Artikulo ni Pher Pasion | Larawan nina Pher Pasion at KR Guda

(Basahin ang artikulo hinggil sa mga paglabang kinakaharap ng mga mamamayan ng asyenda ngayon.)

(Basahin kung paano nangyari ang masaker 10 taon na ang nakaraan.)

(Para sa iba pang larawan at bidyo ng paggunita sa 10 taon ng masaker, puntahan ang espesyal na PW page hinggil dito.)

10 istoryang pinalampas ng midya sa 2014

$
0
0

PW-underreported stories

Habang nagaganap ang landslides, pagbaha at pagragasa ng bagyong Seniang sa Visayas at Mindanao na kinasawi ng di-bababa sa 50 katao, abala ang midya sa kasalang Dingdong Dantes at Marian Rivera. Ito na marahil ang pinakamalinaw na halimbawa ng tagibang na prayoridad, kapwa ng mainstream media coverage at ng mismong gobyerno.

Taun-taon, nililista ng Pinoy Weekly ang sampu sa pinakamalalaking istorya o kaganapan na may pinakamalaking impact sa ordinaryong mga mamamayan. Pero, sa ano mang dahilan, hindi ito nabibigyan ng karampatang atensiyon ng malalaking media networks. Narito ang sampu (mas marami pa, tiyak, ang mahahalagang istoryang di nailabas) na naitala ng PW. Walang partikular na pagkakasunud-sunod ang listahan.

underreported 2014 (2)1. Manilakbayan at malawakang paglabag ng karapatang pantao sa Mindanao. Libong kilometro ang nilakbay ng mahigit 300 katutubo, magsasaka at iba pa, para iparating sa gobyerno at publiko ang kanilang mga isyu. Halos 60 porsiyento ng puwersang militar ng gobyerno ang nakatutok sa Mindanao, para diumano’y labanan ang insurhensiya sa ilalim ng Oplan Bayanihan. Pero mayorya ng mga napupuruhan nito’y ordinaryong mga sibilyan at kanilang mga komunidad. Nahaharap ang Mindanao sa malawakang pagsasamantala ng likas-yaman dahil sa pagpasok ng dayuhan at malalaking kompanya ng pagmimina at malawakang pagtotroso. Lumalaban ang mga komunidad ng mga katutubo at magsasaka. Sa kabila nito, panaka-naka ang pagbabalita sa malalaking midya hinggil sa kanilang mga isyu. Kahit pagkatuntong ng mga Manilakbayani sa Maynila, tila mailap pa rin ang midya: nababalita ang kanilang militanteng paggiit sa harap ng US Embassy at Times Street, pero di madalas na mabanggit ang mga isyung ipinaglalaban nila.

underreported 2014 (3)2. Kawalan ng paghahanda ng gobyerno, hindi lang sa pagdating ng bagyong Yolanda, kundi sa Glenda, Ruby at Seniang. Hindi pa man nakakabangon ang mga mamamayan ng Eastern Visayas (kahit nga ang mga magsasaka sa Mindanao na nasalanta ng bagyong Pablo noong 2012), sunud-sunod ang mga bagyong dumaan sa rehiyon nitong 2014. Sa kaso ng Glenda at Ruby, ipinagmalaki ng administrasyong Aquino sa pamamagitan ng midya na maliit diumano ang casualties. Matapos ang pagkakalantad sa mundo ng kawalan ng paghahanda ng administrasyon sa pagdating ng Yolanda noong Nobyembre 2013, siniguro nitong nakapagpakitang-gilas ito sa pagdating ng Glenda at Ruby. Pero malayo sa lakas ng Yolanda ang sumunod na bagyo, libu-libo pa rin ang apektado, at marami pa rin ang nasawi. Walang planong rehabilitasyon sa mga biktima ng Glenda at Ruby. Muling nasaksihan ito sa pagragasa kamakailan ng bagyong Seniang: Walang sapat na kaalaman ang lokal na gobyerno sa Eastern Visayas at Mindanao; di-bababa sa 50 ang nasawi at libu-libong magsasaka ang lalong lugmok sa hirap dahil sa pagkasira ng kanilang mga pananim.

underreported 2014 (4)3. Mga Pinoy na naipit sa giyera sa Libya at Syria. Tulad ng maraming sigalot sa daigdig, isa sa pinakabulnerableng sektor sa mga bansang Libya at Syria (na nakakaranas ngayon ng giyerang sibil) ang migranteng mga manggagawa rito. Sa Libya, kung saan sumiklab ang isang giyerang sibil matapos mapabagsak ng mga rebeldeng suportado ng US ang gobyerno ni Muammar Gaddafi, aabot sa 13,000 Pilipinong migrante ang nalagay sa panganib. Sa kabila nito, panaka-naka ang pagdating ng mga barkong inareglo ng gobyerno para sagipin ang mga Pilipino sa lugar kung saan maiinit ang labanan. Ayon sa mga grupong migrante, hirap din silang makabiyahe patungo sa mga embahada at mga pinagdaungan ng mga nanundong barko. Mayorya rin ng mga Pilipinong nagtatrabaho ay pinili na lang na manatili dahil walang kaseguruhang mabibigyan sila ng kabuhayan kung uuwi.

underreported 2014 (5)4. Paglala ng karahasan sa kababaihan, lalo na iyong mga militar o pulis ang salarin. Nalarma at galit ang mga grupong pangkakababaihan sa dumadaming kaso ng karahasan sa kababaihan nitong huling taon. Sinabi ng Gabriela na bukod sa pagtaas ng bilang ng mga kaso ng panggagahasa, parami nang parami ang nabibiktimang mga menor-de-edad. Pero ang pinakamalupit, ayon sa Gabriela, tila tumataas din ang bilang ng kababaihan at mga batang nabibiktima ng tinaguriang “persons of authority”, o iyung mga nasa kapangyarihan o posisyon. Kasama rito ang mga militar at pulis. Sa datos ng grupo, mula 2010 hanggang ikatlong kuwarto ng 2014, nakapagtala ng 42 kaso na mga alagad ng PNP ang salarin, 20 ang Armed Forces of the Philippines (AFP), 14 ang mga opisyal ng local government units, 13 naman ang mga pulitiko, 9 ang tropang Amerikano at dalawa ang miyembro ng Presidential Security Group (PSG).

underreported 2014 (6)5. Pambobomba at mga pang-aabuso ng militar sa Lacub, Abra. Nanghuli ng mga sibilyan at ginamit silang human shields sa labanan sa mga rebelde. Pagkatapos, nang may mahuling mga miyembro ng New People’s Army, pinahirapan ang mga ito at pinagpapatay. Ito ang nagpag-alaman ng independiyenteng mga imbestigasyon hinggil sa mga operasyong militar sa liblib na kabundukan ng Lacub, Abra noong unang linggo ng Setyembre 2014. Ayon dito, 24 sibilyan ang ginawang human shield ng 41st Infantry Battalion ng Philippine Army. Nasawi sa mga sibilyan sina Noel Viste at Engr. Fidella Salvador, isang istap ng Center for Development Programs in the Cordillera (CPDC) at Cordillera Disaster Response and Development Services (CorDis-RDS). Samantala, pitong miyembro ng NPA ang tinortyur bago paslangin. Kasama rito si Arnold Jaramillo, na sinasabi ng militar na namumunong lider-gerilya sa lugar, at Recca Noelle Monte. Batay sa autopsy report ng dalawang bangkay, napag-alamang pinahirapan sila bago paslangin. Sa kabila ng malupit na mga paglabag sa rules of engagement ng militar at sa mga kasunduan at batas pangkarapatang pantao, hindi nabibigyan ng sapat na espasyo sa midya ang mga kasong ito sa Lacub, Abra.

underreported 2014 (7)6. Laban para sa National Minimum Wage at/o dagdag-na-sahod ng mga manggagawa at kawani ng gobyerno. Inilunsad ng Kilusang Mayo Uno, Confederation for Unity, Recognition and Advancement of Government Employees (Courage), Alliance of Health Workers (AHW), Alliance of Concerned Teachers (ACT), at iba pang grupo ng mga manggagawa sa pribado at pampublikong sektor nitong Nobyembre ang kampanya para sa pambansang minimum na sahod. Napapanahon na umano ito, dahil nararanasan ng lahat ng mga manggagawa ang pagtindi ng krisis at taas-presyo ng mga bilihin at serbisyo, habang nananatiling nakapako ang kanilang mga sahod. Aabot sa P16,000 ang itinutulak nilang National Minimum Wage. Samantala, ikinakampanya din ng ACT ang taas-suweldo ng mga guro sa P25,000 mula P18,549 at para naman sa mga kawani na P15,000 mula P9,000.

underreported 2014 (8)7. Kawalan ng hustisya sa Hacienda Luisita. Sampung taon na mula nang maganap ang masaker ng pamilyang Cojuangco-Aquino, pulis at militar sa nagwewelgang mga manggagawang bukid ng Hacienda Luisita. Wala pa ring napaparusahan sa itinuturong mga salarin, kabilang ang pamilyang Cojuangco-Aquino, pamilya ni Pangulong Aquino, at mga opisyal ng militar at pulisya. Samantala, nagtagumpay man sa Korte Suprema ang mga magsasaka para mabawi ang lupang dapat kanila, patuloy na hinaharangan ng mga Cojuangco-Aquino, sa tulong ng Department of Agrarian Reform, ang pamamahagi ng lupa. Unti-unting binakuran nila ang ilang lupang di raw kasama sa pamamahagi. Marahas na itinataboy nila ang nagsasakang mga residente ng Luisita, at pinahuhuli, kinakasuhan at/o hinaharas ang mga lider at miyembro ng Alyansa ng mga Magbubukid sa Asyenda Luisita o Ambala at mga tagasuporta nila.

underreported 2014 (1)8. Patuloy na pamamaslang, pagdukot, pagsampa ng gawa-gawang mga kaso sa mga aktibista. Sa ilalim ng programang kontra-insurhensiya ng administrasyong Aquino na Oplan Bayanihan, nagpatuloy ang polisiya ng pagtarget sa mga sibilyang lumalaban sa gobyerno. Kung isasama pa ang pagpapalawig ni Aquino sa implementasyon ng Oplan Bantay Laya II (mula Hulyo hanggang Disyembre 2010), umabot na sa 169 ang biktima ng pampulitikang pamamaslang mula 2010 hanggang katapusan ng 2013, ayon sa Karapatan. Umabot din sa 19 ang dinukot, o biktima ng enforced disappearance. Umabot sa 86 ang naitalang kaso ng tortyur, 179 ang biktima ng frustrated extra-judicial killing (o tangkang pagpaslang)at 570 ang ilegal na inaresto at kinulong. Sa kabila nito, inamin mismo ng AFP na bigo ang Oplan Bayanihan na makamit ang mga layunin nito. Nasa pangalawang yugto na ang programa, at inaasahan ang mas marahas na implementasyon nito.

underreported 2014 (1)9. Kontraktuwalisasyon sa private at public sectors, kasama na ang nasa media networks. Sang-ayon marahil ang lahat ng mga dalubhasa at grupong maka-manggagawa sa obserbasyong mayorya na ng mga manggagawang Pilipino ay kontraktuwal—walang kaseguruhan sa trabaho, mababa ang sahod, walang benepisyo. Sa economic zones o engklabo, umaabot sa 90 porsiyento ang kontraktuwal, gayundin sa service industry, tulad ng shopping malls. Kahit sa loob ng gobyerno, laganap na ang kontraktuwalisasyon, ayon sa Courage, na inaral ngayong taon ang lalong pagdami ng bilang ng mga kontraktuwal (na may iba-ibang pangalan), kasama ng mga kawani na matagal nang kontraktuwal pero di nireregularisa. Hindi kinokober o ginagawan ng istorya ng malalaking TV networks ang istorya ng malaganap na kontraktuwalisasyon dahil salarin din ang networks na ito. Sumiklab din ngayong taon ang isyu ng kontaktuwalisasyon sa ABS-CBN-2, GMA-7, TV-5 at 9TV. Tanging sa alternative media at social media lang mababalitaan ang paglaban ng mga manggagawa, kabilang ang mga manggagawa ng TV networks na ito, sa praktika sa paggawa na lalong naglulugmok sa mga kanila sa paghihirap.

underreported 2014 (9)10. Bagong pork barrel sa 2015 budget, mga kaso ng korupsiyon ng mga alyado ni Aquino. Tumampok sa midya nitong nakaraang taon ang pagpiit ng administrasyong Aquino sa diumano’y mga salarin sa eskandalong pork barrel ni Janet Lim-Napoles na sina Sens. Jinggoy Estrada, Bong Revilla at Juan Ponce Enrile. Tampok din at pinaypayan ng ilang media outlets ang mga anomalyang diumano’y kinasasangkutan ni Vice Pres. Jejomar Binay. Pero ang walang sapat na coverage: ang bagong mga porma ng pork barrel sa 2015 National Budget na ipinasa ng mga alyado ng administrasyong Aquino at inayunan mismo ng Pangulo. Ayon sa maraming tantiya, aabot sa P500-Bilyon ang lump-sum appropriations sa kasalukuyang badyet. Ginagamit pa diumano ang mga ahensiya ng gobyerno tulad ng Conditional Cash Transfer ng Department of Social Welfare and Development para pigilan ang mga mamamayan na pumirma sa people’s initiative kontra sa pork barrel. Sa kabila ito ng pagbabawal ng Korte Suprema sa pork barrel at Disbursement Acceleration Program. Samantala, patuloy ang pagkakasangkot ng mga alyado ni Aquino sa kung anu-anong anomalya, mula sa maanomalyang mga kontrata sa MRT/LRT, sa kuryente, hanggang sa overpriced na Iloilo Convention Center na kinasangkutan ng pinakamalapit na alyado ni Aquino sa Senado na si Senate President Franklin Drilon.

‘Untouchable’ Aquino friends behind Yolanda, #TanimBala & Luisita mess

$
0
0
By Gi Estrada / Ugnayan ng mga Manggagawa sa Agrikultura

It pays to be loyal buddies with the President.

BS Aquino’s kababata (townmates) now appear “untouchable” despite being drawn in scandal and criminal negligence surrounding Yolanda relief and rehabilitation, the “Tanim Bala” scam and fake land distribution in his own backyard, Hacienda Luisita, according to the Unyon ng mga Manggagawa sa Agrikultura (UMA).

PW-commentaryTwo years after supertyphoon Yolanda ravaged Eastern Visayas, UMA Secretary General Ranmil Echanis scored Department of Social Welfare and Development (DSWD) secretary Corazon “Dinky” Soliman and echoed the statement of Yolanda survivors that “the patronage system of politics rear(s) ugly head even in the most distressing situation.”

Yolanda survivors lament that after two years without adequate assistance to complement their own rebuilding efforts, the Aquino government adds insult to injury with condolences of delayed, divisive, conditional and corruption-riddled assistance.  Members of People Surge described Soliman and Aquino as members of the ‘Gang of 5 despicable figures of ineptness’ which also includes Panfilo Lacson, Jericho Petilla and Liberal Party presidential bet Mar Roxas.

Soliman was born in San Miguel, Tarlac Tarlac City near Hacienda Luisita and  her father, Leonilo Juliano, reportedly served Dinky’s namesake, Corazon Aquino and the rest of the Cojuangco-Aquino landlords as a loyal “kapatas” or lead man who gathered cane cutters to work for Hacienda Luisita.

People Surge enumerated Dinky’s criminal negligence, ineptness and corruption with the following:

  1. P580 million worth of rice supplies left to rot at the Subic Free Port
  2. Dinky’s claim of having provided more than five (5) million food packs for a maximum of 10 rounds is still highly inadequate when spread over more than 100 days after Yolanda. Most survivors in fact received food packs only once.
  3. The more than 16,000 individuals alleged to have been accommodated by the “cash-for-work” program is an insignificant minority out of more than one (1) million Yolanda survivors. These beneficiaries in fact worked for only 10 days for P250/day instead of the promised P500.
  4. The 2,052 families who transferred to bunkhouses in fact only represent 0.17% of homeless survivors.”

honradoMeanwhile, Jose Angel Honrado, also a close Aquino buddy from Hacienda Luisita, remains at the helm of the Ninoy Aquino International Airport (NAIA) despite the firestorm of criticism, and national humiliation and ridicule brought about by the “Tanim Bala” scam.

Several groups, including overseas Filipino workers or OFW organization Migrante and some legislators are already calling for Honrado’s resignation as NAIA general manager but BS Aquino and his spokespersons have brushed aside the clamor and downplayed the situation.

“With his brand of inaction on this shocking extortion scam, Aquino has effectively contributed another solid reason to call the NAIA one of the worst airports in the world.”

Honrado was born in Concepcion, Tarlac, a town also within the bounds of the controversial sugar estate. His father was reportedly the former chief security officer of Hacienda Luisita.

The President is well known for clinging to his kabarilan (shooting buddies), kaklase(classmates) and kaibigan (friends). A few months ago, another kabarilan, Virgie Torres, was embroiled in a sugar smuggling scandal, where she allegedly used Aquino’s name to bring in around 60 shipping containers of sugar from Thailand.

virgie-torresEfforts to cover-up the controversy inadvertently led to Anakpawis Partylist Rep. Fernando Hicap’s expose of Torres and Aquino’s unholy leaseback partnership in Hacienda Luisita. The “aryendo” aims to reconcentrate land reform areas back to the control of the Cojuangco-Aquinos. Torres was quoted to have said “I lease the land and we (Torres and Aquino) grow sugarcane together.”

“Where are the charges against Virgie Torres now?”

“BS Aquino has assembled such a corrupt band of characters within his cabinet, choice agencies and even the top brass of the military and police. Let’s not forgot ex-PNP chief Gen. Purisima of the Mamasapano fiasco, and ex-AFP Chief Gen. Catapang, a ground commander of the Hacienda Luisita massacre in 2004,” said Echanis.

Farmworkers will commemorate the 11th anniversary of the Hacienda Luisita massacre on November 16. Justice remains elusive to the victims.


 

15 istoryang pinalampas ng midya sa 2015

$
0
0
Sa dinami-rami ng mga isyung kinaharap ng taumbayan sa taong 2015, tiyak na marami ang hindi napansin ng midya. Ngayong taon, nirebyu namin ang aming mga artikulo, pati ang artikulo ng iba pang alternatibong midya, para mapili, hindi lang 10, kundi 15 mahahalagang istoryang di binigyan ng dominante o mainstream na midya ng sapat na atensiyon at coverage.
Narito, ang 15 sa taong 2015 (walang partikular na pagkakasunud-sunod):

Barangay 105 Happy Land sa Tondo, Manila na apektado ng imbakan ng coal. Pher Pasion

Barangay 105 Happy Land sa Tondo, Manila na apektado ng imbakan ng coal. Pher Pasion

1. Mapanganib na imbakan ng karbon sa Tondo

Malaking banta sa kalusugan at perwisyo sa kabuhayan ang sinasapit ng mga residente sa Tondo partikular ang Barangay 105 o Happy Land ang imbakan ng karbon sa kanilang lugar. Nakapangalan ang imbakan sa kompanyang Rock Energy. Sari-saring sakit na ang iniinda ng mga residente (lalo na ng mga bata) at pineperwisyo nito ang araw-araw na pamumuhay nila dahil sa duming dinadala sa kanila ng nasabing imbakan. Maging ang mga opisyal ng barangay, apektado sa perwisyong idinudulot nito sa mga residente.

Dumulog na rin sila sa lokal na gobyerno ng Maynila para ipasara at alisin ang imbak ng karbon. Pero hindi maintindihan ng mga residente kung bakit walang aksiyon ang lokal na gobyerno para pigilan at imbestigahan ito. Dahil tulad ng maraming isyu, hindi ito pinansin ng midya kaya marahil hindi ito nabibigyan ng sapat na atensiyon ng lokal na gobyerno para aksiyunan.

Nitong Nobyembre, muling tinambakan ng karbon ang nasabing bodega. Patuloy ang pagdurusa ng mga residente.


Protesta sa harap ng bahay ng pamilyang Aquino sa Times Street, Quezon City. <b>PW File Photo</b>

Protesta sa harap ng bahay ng pamilyang Aquino sa Times Street, Quezon City. PW File Photo

2. Pagbawi sa Hacienda Luisita ng pamilyang Cojuangco-Aquino

Nasa kamay na muli ng pamilya ng kasalukuyang Pangulo ang Hacienda Luisita at hindi ito sapat na ibinalita sa publiko. Sa kabila ito ng pinal na desisyon ng Korte Suprema na dapat maipamahagi sa mga benepisaryo ng Hacienda ang lupain nito. Ayon sa Unyon ng mga Manggagawa sa Agrikultura, binenta diumano ng mga Cojuangco-Aquino ang Central Azucarera de Tarlac (CAT) sa negosyanteng si Martin Lorenzo. Gayunman, may malaking shares pa rin dito ang mga Cojuangco, ang nanatiling presidente at Chief Executive Officer ng asukarera si Fernando Cojuangco, pinsang buo ni Pangulong Aquino.

Naiwasan ng mga Cojuangco na bayaran ang mga benipisaryo ng tinatayang P1.33 Bilyon sa pagbebenta ng mga lupain sa Hacienda Luisita at tuluyang maiwasan ang pamamahagi ng lupa sa mga magsasaka at manggawang bukid. Gayundin, nabili rin diumano ni Lorenzo ang sapi ng mga  Cojuangco-Aquino sa iba pang mga negosyo gaya ng Luisita Realty Corp. at Luisita Industrial Park Co. sa pamamagitan ng CAT Resource and Asset Holdings Inc.

Sa tulong ni Lorenzo, lalong sumahol ang kalagayan ng mga manggagawasa asukarera. Tumindi ang kontraktuwalisasyon at tanggalan. Kamakailan, mahigit 700 manggagawa ang puwersahang tunanggal at pinapirma ng maagang pagreretiro. At dahil sa pekeng pamamahagi ng lupa noong 2013, bumabalik ang mga manggagawang bukid para magtrabaho bilang tagatabas ng tubo sa asyenda.

Sa buong panunungkulan ni Aquino, sari-saring pandarahas na ang naranasan ng mga manggagawa at manggawang bukid pero hindi ito binigyan ng sapat na atensiyon ng midya. Maging ang bogus na pamamahagi ng lupa sa pamamagitan ng tambiolo noong 2013 ay di alam ng publiko. Nariyan din ang pagbuhos ng mga militar at pulis sa nasabing lugar. Wala pa ring nakakamit na hustisya ang mga biktima sa naganap na masaker sa Hacienda Luisita. Hindi lamang kabiguan ng pamamahagi ng lupa at inhustisya ang magiging mukha ng Hacienda Luisita. Kabiguan din ito ng pamamahayag na maiulat ang mahalaga at lehitimong istorya ng mga mamamayan.


Ilang miyembro ng tribung Aggay na ikinulong sa gawa-gawang mga kaso sa Cagayan Valley noong Hulyo 2015. Larawan mula sa <b>ICHRP</b>

Ilang miyembro ng tribung Aggay na ikinulong sa gawa-gawang mga kaso sa Cagayan Valley noong Hulyo 2015. Larawan mula sa ICHRP

3. Trumped-up cases kontra sa CV 69, paglobo ng bilang ng bilanggong pulitikal

Pagsampa ng gawa-gawang kaso. Ganito ang ginagawa sa mga kritiko ng gobyerno para patahimikin at ipiit sa kulungan. Sa Hilagang Luzon, sinampahan ng 17th Infantry Division ng Philippine Army ng kasong kidnapping with homicide ang 69 na indibidwal na pawang miyembro ng progresibong mga grupo sa rehiyon ng Cagayan Valley. Ito ang pinakamalaking bilang ng mga indibidwal na kinasuhan sa ilalim ni Aquino pero hindi ito pinansin ng midya.

Samantala, umigting ang pagkulong at pagsampa ng gawa-gawang mga kaso laban sa mga kritiko ng administrasyon. Kabilang dito ang pagdakip at pagtanim ng granada sa mag-asawang aktibista na sina Adelberto Silva at Sharon Cabusao, gayundin kina Jose Nayve, Armando Matres, Rommel Nuñez, at George Bruce sa General Trias, Cavite, at Concha Araneta sa Panay. Ayon sa Karapatan, umabot na sa 561 ang bilanggong pulitikal sa bansa; 304 dito’y kinulong sa ilalim ng administrasyong Aquino.


4. Kuntsabahan ng AFP, mga grupong paramilitar at mining companies

Kinatampukan ng mga ulat sa midya ang pagpaslang sa mga Lumad nitong huling bahagi ng taon at gayundin ang mga bakwit sa Mindanao. Pero hindi kumawala ang mga ulat sa mga impormasyon na nailabas na.

Hindi kinatampukan ang mas malalim na tingin sa kaugnayan ng mga grupong paramilitar at Armed Forces of the Philippines na itinuturong lumikha sa mga ito, ang maging kaugnayan nito sa gobyernong US. Dahil sa hindi basta na lamang lumitaw ang mga ganitong grupo na walang nagsanay at walang nagpopondo. Higit pa rito, bakit walang hakbang para disarmahan at hulihin ang mga sangkot sa pamamaslang at pandarahas partikular sa mga Lumad. Gayundin ang ugnayan ng mga paramilitar na ito sa mga malalaking kompanya ng mina at mono-crop plantations. May pag-iwas o sadyang nahuhulog na lang sa popular na eksena pinagpipiyestahan na sa midya ang hindi pagsusuri sa mga grupong paramilitar.


5. ‘Epal’ at maagang pangangampanya ng mga kandidato

Kung ginagawang normal na lang ang maagang pangangampanya, ito’y dahil malalaking networks ang kumukita sa limpak-limpak na salaping ginagastos ng mga kandidato para sa kanilang television advertisements.

Sa eleksiyong ito na dominado ng mga miyembro ng mga naghaharing uri, sadyang lamang sa pondo ang mga mayayaman at lalong mas lamang ang mga nakaposisyon na para gamitin ang mismong ang pondo ng bayan sa kanilang pangangampanya. Maaga ang naging bukso ng kampanya ng mga pulitiko. Tila maaga ding ipinikit ng midya ang mga mata nito.


Ikinuwento ng kapatid ni Marilyn Restor (kanan) ang sinapit ni Marilyn sa Saudi. Darius Galang

Ikinuwento ng kapatid ni Marilyn Restor (kanan) ang sinapit ni Marilyn sa Saudi. Darius Galang

6. Kaso ni Marilyn Restor at iba pang migranteng biktima ng pagmamalupit sa ibang bansa

Buhay pa si Marilyn Restor, lumapit na ang kaanak niya sa midya sa tulong ng Migrante International. Pero bigong makuha ang atensiyon ng midya dahil siguro’y hindi “mabenta” para sa kanila ang istorya. Hanggang sa mamatay si Marilyn, hindi rin siya nabigyan ng espasyo sa midya.

Kinidnap at nawala si Marilyn sa Saudi Arabia. Pero natukoy na noon ang mga kumidnap sa kanya pero wala umanong ginawa ang embahada doon, ayon sa Migrante. Ang ospital pa umano sa Saudi ang nagsabi sa kaanak ni Marilyn na patay na siya. Nang tawagan nila ang Philippine Embassy, saka lang kinumpirma nito ang nangyari kay Marilyn. Itinulak daw siya sa roof top at nahulog.

Dahil sa isang Royal Family sa Saudi ang itinuturong suspek, walang iniuusad ang kaso.


7. Paglahok ng tropang Kano sa madugong insidente sa Mamasapano

Naging malaking balita ang pagkakapatay sa 44 Special Action Force sa Mamasapano, Maguindanao nitong Enero. Nabisto ang pagpapahintulot ni Pangulong Aquino sa suspendidong Philippine National Police Chief Alan Purisima sa Operation Exodus para tugisin ang kanilang target na si Marwan. Hitik ang balita sa ang kapalpakan ng operasyon kahit na sinasabing napaslang nila ang kanilang target.

Pero hindi nakita o iniwasang tingnan ang anggulo ng partisipasyon ng mga Amerikanong sundalo sa nasabing operasyon.

Sa kabila ng mga testimonya ng mga nakakita sa bangkay na sinasabing dayuhan, hindi binigyan ng sapat na coverage ang anggulong ito. Sa kabilang banda, kahit itinatanggi nila at ng US Embassy ang partisipasyon ng mga Kano sa Mamasapano, madalas na sinabi ng AFP at Malakanyang na normal lamang ang pagkikipagtulungan ng gobyernong US sa Pilipinas.


8. Nagdurusa pa rin ang mga biktima ni Yolanda

Dalawang taon na matapos ang pananalasa ng bagyong Yolanda sa Pilipinas. Pero hindi pa rin natatapos ang delubyo nito sa mga biktima mula sa bagyo at mula sa gobyernong may responsabilidad na tulungan ang mga mamamayan. Sa kabila nito, tila tuluyan nang nabaling ang atensiyon ng midya sa ibang mga isyu habang wala pa ring nananagot sa kriminal na kapabayaan sa mga biktima.

Mabuti’t binalita ng midya ang mga pahayag ni United Nations Special Rapporteur Chaloka Beyani na nagbabatikos sa rehabilitation efforts ng administrasyong Aquino sa Eastern Visayas. Pero nagpalalim pa sana ang mga mamamahayag sa kalagayan ngayon ng milyun-milyong nabiktima ng isa sa pinakamalakas na bagyo sa kasaysayan ng mundo.


Tuloy ang laban ng mga manggagawa ng Tanduay. <b>KR Guda</b>

Tuloy ang laban ng mga manggagawa ng Tanduay. KR Guda

9. Welga ng mga manggagawa sa pabrika ng paborito nating alak

Dahil sa paglaganap ng kontraktuwalisasyon sa paggawa (na laganap din sa midya) at pagmamay-ari ni Lucio Tan ang Tanduay kaya marahil hindi naging intersado o sadyang isinantabi ng midya ang laban ng mga manggagawa ng Tanduay sa Cabuyao, Laguna.

Sa kabila ng pagsiklab ng karahasan gawa ng goons (maging ng mga pulis) at kawalan ng pagrespeto sa karapatan ng mga manggagawa para ipakita ang pagtutol sa mga anti-manggagawang polisiya ng nasabing kompanya, hindi pa rin ito nabigyan ng sapat na atensiyon ng midya.

Itinayo ng Tanggulan Ugnayang Dayulang Lakas ng Anakpawis sa Tanduay Distillers Inc. (Tudla) noong Mayo 18 ang kanilang piketlayn sa harapan ng planta nito sa nasabing probinsiya. Ayon sa grupo, 90 porsiyento ng mga manggagawa ng Tanduay ang nakakatanggap ng mababang sahod at mahigit 60 porsiyento ang kontraktuwal na nasa kompanya sa loob ng lima hanggang 11 taon. Gayundin, nakararanas ang mga manggagawa ng kawalan ng kaligtasan sa kanilang trabaho at sila pa ang nagbabayad ng mga personal protective equipment na binabawas sa kanilang mga sahod.

Hunyo 22 nang maglabas ng desisyon ang Department of Labor and Employment Region IV-A na nagbibigay direktiba sa pamunuan ng Tanduay na gawing regular ang mga manggagawang kontraktuwal. Pero hindi ito sinusunod ng kompanya ni Tan.


10. Lumalakas na armadong rebolusyon

Alam n’yo bang nasa mahigit 500 taktikal na opensiba ang naisagawa ng New People’s Army (NPA) ngayong taon sa Mindanao lamang, ayon sa National Democratic Front of the Philippines (NDFP) – Mindanao? Tumaas ito taun-taon mula mahigit 400 sa parehong taon ng 2014 at 2013. Noong 2012 nasa 400 ito, 350 naman noong 2011, at 250 noong maupo sa puwesto si Aquino noong 2010.

Sa kabila ng mga tagumpay nito sa pagsusulong ng armadong rebolusyon sa bansa, hindi ito nabibigyan ng espasyo sa midya. Kamakailan, binigyan pa ng parehong puwang ang pahayag ng AFP at Malakanyang na humihina na ang armadong rebolusyon ng CPP-NPA-NDF.

Marapat sanang palalimin ng midya ang coverage sa dumadagundong na armadong rebolusyon sa kanayunan sa pamamagitan ng mas aktibong pagkober at pakikipanayam mismo sa mga kalahok sa rebolusyong ito. Hindi dapat matakot sa mga banta ng militar at mga grupong paramilitar tulad ng Magahat-Bagani sa Mindanao para magawa ng midya ang tungkulin nito sa patas at komprehensibong pag-uulat.


Aerial Spray in Mindanao Banana Plantation“Dole: The Ethical Choice?” short clip by Malu Maniquis: “A risky shoot I did in Maragusan, Compostela Valley. We didn’t know exactly where the plane would spray. Maragusan’s farmlands have been extensively converted into banana plantations, in between homes of the farmers. Despite public outcry, government allows this practice which pose long-term serious effects on the health of the residents and on the environment. Yet, DOLE still brands itself as the ethical choice.”

Posted by REAP Mindanao Network on Sunday, December 13, 2015

11. Lumalawak na mga plantasyon sa Mindanao

Palawak nang palawak ang mga plantasyon partikular sa Mindanao na nagtataboy sa mga magasasaka sa kanilang mga lupang sinasaka at nagbibigay ng banta sa seguridad ng pagkain ng bansa.

Sa taong 2023, tinatayang lalawak nang isang milyong ektarya ang plantasyon ng palm oil sa bansa dahil sa PH Road Map on Oil Palm Industry ng administrasyong Aquino na ibubukas sa mga dayuhan at lokal na negosyante. Sa kabila ito nang patuloy na pag-aangkat ng Pilipinas ng mga pangunahing produkto gaya ng bigas. May matinding banta ito sa kalikasan ng bansa. Mainam na maikumpara ito sa malawakang palm oil plantations sa Indonesia na sinasabing dahilan ng matinding forest fires na dahilan ng haze doon.

Sa paglawak din ng mga plantasyong ito ang pagkabuo ng mga paramilitar para supilin ang mga mamamayang lumalaban.


14. Lumalawak na mapanirang pagmimina sa bansa

Hindi lang sa Mindanao kundi sa buong Pilipinas nagkalat ang mga malawakang pagmimina ng malalaking dayuhang korporasyon.

Isa sa pinakatampok ang pagmimina ng OceanaGold sa Didipio, Kasibu, Nueva Vizcaya na ikinasira ng kabundukang mayaman sa biodiversity sa naturang lugar. Sa Lobo, Batangas, malawak ang suporta ng mga mamamayang lumalaban sa planong pagmimina ng ginto ng Egerton Gold na sasakop sa 263 ektarya ng Lobo. Ikinkatakot ng maraming grupo at mamamayan ang pagkasira ng Verde Island Passage, na sangktuwaryo ng mayamang buhay-marino sa Lobo, Malabrigo at Balibago sa Batangas.

Ilan lang ito sa marami pang operasyon at nakaambang operasyon ng malalaking kompanya na tumatarget sa mga mineral na matatagpuan sa bansa. Tila may kakulangan ang midya na ikober ang mangmalawakang trend na ito ng mistulang pananakop sa mga lupain at likas-na-yaman ng bansa, gayundin ang malawakang pagtataboy sa mga magsasaka at katutubo na nakatira sa mga lupaing ito.


13. Pangmatagalang epekto ng bagyong Lando

Hindi na bago ang pagdating ng mga malalakas na bagyo sa bansa na kumikitil ng maraming buhay at sumisira sa maraming ari-arian. Hindi na rin siguro bago ang kapabayaan ng gobyerno sa mga nagiging biktima ng mga ito.

Sa pagdating ng bagyong Lando, wala pa ring pagkatuto ang gobyerno sa pagtulong sa mga biktima ng bagyo. Hindi rin ito nabibigyan ng anggulo ng midya maliban sa nakasanayan na nitong pag-uulat sa iniwan ng bagyo o lakas ng bagyo. Iniulat din ang relatibong maliit na bilang ng mga nasawi. Pero hindi sapat na naiulat ang pangmatagalang epekto sa ordinaryong mga magsasaka sa Eastern Visayas, Bicol, Southern Tagalog at Central Luzon.


img_0200

Fact Finding Mission ng iba’t ibang grupo hinggil sa Laguna Lakeshor Expressway Dike Project noong Oktubre.

14. Pasakit ng proyektong dike sa Laguna Lake

Isa sa tampok na proyekto ng administrasyong Aquino sa ilalim ng proyektong Public-Private Partnerships ang Laguna Lakeshore Expressway Dike Project (LLEDP) sa Laguna Lake.

Pero simula’t sapul, inireklamo na ito ng mga mamamayang nakatira sa palibot ng Laguna Lake, lalo na ng mga mangingisda. Noong Oktubre, naglunsad ang Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya sa Pilipinas (Pamalakaya) ng fact-finding mission kasama ang Kalikasan at iba pang grupo. Napag-alaman nilang hindi umano magsisilbi sa interes ng mga mangingisda at mamamayan ang LLEDP. Lalong sisirain ng naturang proyekto ang lawa habang nasasadlak sa kahirapan ang mga mangingisda at residente sa palibot nito.

Nakatakdang magsimula ang implementasyon ng proyekto ngayong 2016.


Pagkilos ng All Workers' Unity sa isang palengke sa Kamaynilaan noong Abril.

Pagkilos ng All Workers’ Unity sa isang palengke sa Kamaynilaan noong Abril.

15. Laban ng mga manggagawa sa pribado’t pampublikong sektor para sa dagdag-sahod at benepisyo

Katulad ng mga istorya hinggil sa welga ng mga manggagawa o pagtutol sa kontraktuwalisasyon sa paggawa, tila hindi pinapansin ng mainstream media ang mga istorya ng paglaban para sa dagdag-sahod at benepisyo—sa pampubliko at pribadong sektor.

Noong nakaraang taon, binuo ng mga grupo ng manggagawa’t kawani ng gobyerno mula sa Kilusang Mayo Uno (KMU), Confederation for Unity, Recognition and Advancement of Government Employees (Courage), Alliance of Concerned Teachers (ACT), Alliance of Health Workers (AHW) at iba pa, ang All-Workers’ Unity. Ikinampanya ng alyansang ito ang pambansang minimum wage at makabuluhang dagdag-sahod sa mga manggagawa sa pribado at pampublikong sektor. Pinangunahin din ng mga grupo ang paggiit ng benepisyo, pagtaas ng pensiyon sa SSS at GSIS, pagbaba ng buwis sa mga minimum wage earners, at iba pa.


 

Palit-gamit sa lupang sakahan pinatitigil

$
0
0

Pabor sa mahihirap na magsasaka ang pagpupulong ng Presidential Agrarian Reform Council (PARC) nitong nakaraang linggo. Ito ang unang pulong ng PARC sa loob ng sampung taon; hindi kailanman ito nagpulong sa panunungkulan ng asyenderong dating pangulong si Benigno Aquino III.

Sa pahayag ni Department of Agrarian Reform (DAR) Sec. Rafael “Ka Paeng” Mariano sa Malakanyang nitong Setyembre 13, sinabi ng kalihim na mabunga ang pag-uusap hinggil sa mga suliranin ng mga magsasaka.

Kabilang sa ilang pinag-usapan ang pagsasauli ng coco levy funds sa mga magsasaka, pagtigil ng land-use conversion, pamamahagi ng 10,000 ektaryang lupaing ibinigay ng Land Bank of the Philippines, pagtanggi sa apela ng Tarlac Development Corporation sa Hacienda Luisita at petisyon ng panlalawigang pamahalaan ng Negros Occidental, at pag-aaral sa mga land conversion permit at land leasehold contract.

Banta ng pagpapalayas

Umaasa ang mga magsasaka na mapipigilan ang banta ng pagpapalayas mula sa kanilang mga lupa sa pag-apruba ni Pangulong Duterte sa pulong ng PARC sa dalawang taong moratorium sa land-use conversion.

Inihahanda na ang executive order (EO) upang ipatupad ang pagtigil sa pagpapalit-gamit ng mga lupang sakahan na sakop ng Republic Act 6657 o Comprehensive Agrarian Reform Law, Presidential Decree 27 at iba pang batas sa repormang agraryo.

Nasa 4.7 milyon ektaryang lupaing naipamahagi o 2.7 milyong benipisyaryo ng reporma sa lupa ang agarang poprotektahan ng EO ayon sa kay Mariano.

Inaasahan ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) na magbibigay ito ng kaunting luwag sa libu-libong magsasakang paaalisin sa kanilang sakahan dahil sa mga proyekto at pag-ilit ng Land Bank.

Kadalasang ginagawang subdivision, commercial space, o industrial zone ang mga sakahan sa pakikipagsabwatan ng nagdaang mga administrasyon sa mga asyendero’t negosyante. Halimbawa dito ang kalagayan sa Hacienda Luisita sa Tarlac, Hacienda Looc sa Batangas, at mga sakahang apektado ng proyektong MRT-7 sa Bulacan.

Mga magsasaka ng Hacienda Luisita. <b>PW File Photo</b>

Mga magsasaka ng Hacienda Luisita. PW File Photo

Ayuda sa magsasaka

Sa pulong ng PARC, iniutos din ni Duterte sa Land Bank na pagmamay-ari ng pamahalaan na magbigay ng karagdagang tulong sa mga magsasaka, libreng irigasyon at pagsasauli ng P70 bilyon na coco levy funds na mula sa iligal na koleksyon ng buwis mula sa mga magniniyog.

Mula Hulyo 2010 hanggang Mayo 2016, nasa 142 na aplikasyon sa pagpapalit-gamit ng mga sakahan ang inihapag sa DAR, at 101 aplikasyon o 2,496 ektarya ang naaprubahan, habang 41 na aplikasyon o 1,397 ektarya ang tinanggihan.

Ayon kay Mariano, mawawalan ng saysay ang ayuda sa mga magsasaka at programa sa food security kung magpapatuloy ang ganitong kalakaran.

Tunay na repormang agraryo

Sa kasalukuyan, walang batas ang pamahalaan para patnubayan ang reporma sa lupa sa bansa sa pagkakapaso ng Comprehensive Agrarian Reform Program Extension with Reforms (Carper) noong Hunyo 30, 2014. Naniniwala ang KMP na bigo ang nagdaang programa na tugunan ang problema sa kawalan ng lupa.

Muling inihain ni Anakpawis Rep. Ariel Casilao ang House Bill 555 o Genuine Agrarian Reform Bill at ipinanawagan din ni Mariano ang pagpasa sa nasabing panukala upang pangalagaan ang mahihirap na magsasaka.

Pero naniniwala ang Anakpawis at KMP na magtatagumpay lang ang mga magsasaka kung paiigtingin ng kilusang magsasaka ang paggiit sa karapatan sa lupa ng mga nagbubungkal nito.


 

Pandarahas at paglaban sa Hacienda Luisita

$
0
0

“Ayaw ko (sanang) magpa-interview, dahil para akong nauubos na kandila. Pinakukuwento ninyo sa akin. Masakit. Masakit sa dibdib.”

Ito ang mga salitang sumasabay sa mga luha ni Violeta Basilio, 49, ina ng isa sa mga martir ng masaker sa Hacienda Luisita na si Jhavie Basilio, 20. Pero sinikap pa rin niyang ikuwento ang sinapit nang nag-iisa niyang anak na lalaki 12-taon na ang nakakaraan. Bawat pakikipanayam, pagbubukas ng sugat. Masakit pa rin, marahil dahil naghahanap pa rin siya — at maraming iba pa — ng hustisya.

Nananatili ang sugat sa mga mamamayan sa loob ng 6,453 ektaryang Hacienda Luisita sa Tarlac. Patuloy ang pag-aangkin at pandarahas ng pamilyang Cojuangco-Aquino. Pero patuloy pa rin ang paglaban.

Labindalawang taon na ang nagdaan, pero tumatangis pa rin si Violeta. <b>Pher Pasion</b>

Labindalawang taon na ang nagdaan, pero tumatangis pa rin si Violeta. Pher Pasion

Gunita ng isang ina

Nang makapanayam ng Pinoy Weekly, ipinakita ni Violeta ang mga larawan ng anak niya. Larawan ito ni Jhavie nang maabutan ng ina ang labi ng anak sa punerarya. Iningatan niya ang mga larawan dahil siya lang ang may kopya nito.

“Nung makita ko nang nakaratay siya sa Ilagan (punerarya), hindi ko alam kung paano ko hahaplusin ang anak ko. Kitang-kita ko ang hirap niya,” ani Violeta.

Sabi ng mga saksi, buhay pa si Jhavie matapos tamaan ng bala sa hita. Pero binugbog muna siya nang damputin ng mga pulis at militar — at saka isinabit sa barbed wire at binaril sa dibdib.

“Yung mukha (niya), maraming pasa hanggang sa likod. Makikita mo, bugbog talaga siya,” ani Violeta.

Nagtatrabaho sa umaga si Jhavie sa asukarera sa Luisita sa umaga bago pumapasok sa kolehiyo sa gabi. Bago ang masaker, may ibang ikinabubuhay noon si Violeta. Ngayon, miyembro siya ng Alyansa ng Magbubukid sa Asyenda Luisita (Ambala). Siya rin ang pangalawang tagapangulo ng Anakpawis Party-list sa loob ng asyenda.

Ang masaker

Nobyembre 6, 2004 nang iputok ng Central Azucarera de Tarlac Labor Union (Catlu) at United Luisita Workers’ Union (ULWU) ang welga upang igiit ang kanilang karapatan sa araw ng trabaho at dagdag sa kanilang sahod. Umaabot lang kasi sa P9.50 kada linggo ang naiuuwi nilang sahod.

Dalawang beses ding tinangkang buwagin ang piketlayn sa Gate 1 ng Central Azucarera de Tarlac noong Nobyembre 6 at 8. Pero hindi sila natinag.

Pero hapon ng Nobyembre 16, 2004, tinangkang buwagin ang piketlayn ng pinagsamang puwersa ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP). Hindi muli nayanig ang welga. Dito na nagsimulang umuulan ng bala. Nasa pito ang agad na napatay: Juancho Sanchez, Jaime Pastidio, Jesus Laza, Adriano Caballero, Jessie Valdez, Jun David, at si Jhavie.

Sinasabi ng mga saksi na mayroon pang mga bangkay na ipinasok sa azucarera na sinunog at hindi na natagpuan. Daan-daan din ang sugatan. Daan-daan pa ang ikinulong.

Kung PNP ang paniniwalaan, nagmula raw sa mga nagwewelga ang putok. May mga miyembro raw ng New People’s Army sa mga welgista. Maging ang pamilyang Cojuangco-Aquino, sinabing pakana lang daw ng mga komunista ang kaguluhan. Pero malinaw sa lahat ng dokumentasyon: sa pulis at militar nanggaling ang mga putok.

Matapos ang masaker, pinagpapatay din ang mga lider ng mga mangagawang-bukid at tagasuporta nila.

Rey Ocampo, 55, nakatakas sa masaker. Hanggang ngayon, saksi at nakakaranas pa rin ng panggigipit ng pamilyang Cojuangco-Aquino. <b>Pher Pasion</b>

Rey Ocampo, 55, nakatakas sa masaker. Hanggang ngayon, saksi at nakakaranas pa rin ng panggigipit ng pamilyang Cojuangco-Aquino. Pher Pasion

Bangis ni Noynoy

Sa pagkakaupo ni Benigno Aquino III bilang Pangulo noong 2010, ibayong hirap ang kinaharap ng mga mamamayan doon.

Sa kabila ng pagpabor ng Korte Suprema sa ilalim ni Chief Justice Renato Corona na dapat nang ipamahagi sa mga magbubukid, hindi ito naisakatuparan.

Sa ilalim ni Aquino, bogus ang pamamahagi ng lupa sa pamamagitan ng sistemang tambiolo. “Kung taga-Balete ka, tapos ang makukuha mong lupa ay sa Brgy. Mutrico pa. Ang layo noon. Tapos ang ibibigay sa iyo, hindi pa titulo. Certificate lang na xerox. Kailangan mo pang bayaran bago mapunta sa iyo,” ani Violeta.

Kaya napipilitang isangla ng mga benepisaryo ang kopya na Certificate of Land Ownership Award (CLOA). Kadalasang tao ng mga Cojuangco-Aquino ang pinagsasanglaan.

Ang higit na masakit sa sistemang ito, kung sino pa ang tunay na mga benepisaryo, sila ang wala sa listahan at hindi kasama para makatanggap ng CLOA.

“Yung tatay ko, dito na ipinanganak, kasama niya ang lolo ko na naglinis ng lupa para tamnan. Matagal na nagtatrabaho ako rito sa asyenda. Pero wala sa master’s list ako, kasi lumalaban kami,” ani Rey Ocampo, 55, ng Brgy. Mapalacsiao.

Sinimulan din ang paglalagay ng bakod sa mga lupain ng Luisita na inaangkin ng RCBC at Tarlac Development Corp. sa Brgy. Balete. Isa sa pinakamasakit na nangyari ang paninira sa kanilang pananim. Pinagsusunog din ang mga kubo ng mga magsasaka.

Sa araw pa mismo ng inagurasyon ni Pangulong Duterte, nanira ng pananim ng mga magsasaka ang mga tauhan umano ng mga Cojuangco-Aquino.

Suporta, paglaban

Malinaw sa mga taga- Luisita kung kanino naglilingkod ang pulis at militar.

Ipinakita ni Violeta ang lawak ng pananim na sinira at binuldoser. Aniya, nag-spray ng kemikal na pagpatay sa kanilang pananim ang mga tauhan ng mga Cojuangco- Aquino.

“Nangungutang lang kami para sa ganoo’y may gugugulin kami sa bukid. Kapag sinira iyon, magtatanim na naman kami. Mangungutang. Kaya nahuhukay kami sa utang,” ani Violeta.

Pero sa halip na panghinaan, lalong nagkakalakas-loob ang mga mamamayan na lumaban. Mula sa usapin sa sahod, naiangat ang kanilang panawagan para sa tunay na reporma sa lupa. Taong 2005, kolektibo na nilang inokupahan ang mga lupain para tamnan ito.

Sa kabila ng mga panghaharas sa kanila, matagumpay na naipagpa-patuloy ang pagtatanim.

Gayumpaman, malaking hamon pa rin ang kinaharap nila. Ikinagalak nila ang pagkakatalaga niya kay Rafael Mariano bilang Kalihim ng Department of Agrarian Reform. Nagkaroon umano sila ng paghinga sa pagtatanim.

“Nakapagpalusot kami ng isang ani mula nang maupo si Ka Paeng (Mariano) at walang nanira ng aming pananim. Pero malaki pa rin ang binabayaran namin sa mga sinirang tanim. Sana maalis na rin ang mga militar at Cafgu,” ani Violeta.

Para naman kay Francisco Dizon, 47, opisyal ng Ambala, bagamat nagagawa na nilang magsaka sa lupa, hindi pa nila maitodo ang potensiyal ng matabang lupa dahil sa kakulangan ng kapital para sa binhi, abono, patubig, at ibang gamit.

Nagsisikap man ang kanilang organisasyon na punan ang pangangailangan, sadyang kinakailangan nila ang malaking suporta. Ang laki ng Luisita’y tinatayang katumbas na pinasamang laki ng mga lungsod ng Makati at Maynila, at ng Ortigas Avenue.

Tuloy pa rin

Masasabing may katahimikan ngayon sa Luisita mula nang maupo si Duterte. Pero hindi masasabing mapayapa na rito.

Sa isang lipunang malapiyudal na nanatili ang tunggalian sa pagitan ng panginoong maylupa at uring magsasaka, tiyak na gagawa ng hakbang ang mga katulad ng mga Cojuangco-Aquino para mapanatili sa kanila ang lupain ng asyenda na pinagmumulan ng kanilang kapangyarihang pampulitika.

Para sa mga gaya nina Violeta, Rey, Francisco, at iba pang nakikibakang mamamayan sa asyenda, hindi lalaya ang uring magsasaka sa Pilipinas hangga’t hindi lumalaya ang mga magsasaka ng Hacienda Luisita.

Ang lahat ng nangyayari sa mga magsasaka sa buong bansa ay nangyayari sa Hacienda Luisita— pandarahas, pamamaslang, pananakot, pangangamkam at, higit sa lahat, ang nagpapatuloy na pagkakaisa at hindi magagaping layuning magtagumpay.


 

 Nang mag-aklas ang sakada

$
0
0

“Wala kaming makain sa baraks sa Luisita.”

Ito ang panimulang salaysay ni Rosalito Bravo. Isa siya sa mga sakadang nagmula sa Bukidnon upang magtabas ng tubo sa Brgy. Mapalacsiao, Tarlac, kung nasaan ang Central Azukarera de Tarlac.

Ito ang kilalang asukalan ng mga Cojuangco-Aquino. At mula rito, kamakailan, nailikas ng Unyon ng Magsasaka sa Agrikultura (UMA) ang mahigit 200 sakada sa karumaldumal na kalagayan at patuloy na pagsasamantala. Rumesponde ang UMA mula sa ulat ng Organisasyon sa Yanong Obrerong Nagkahiusa (Ogyon, o Organisasyon ng Nagkakaisang mga Manggagawang Bukid) na nakabase sa Bukidnon.

Ibinunyag ng kanilang mga kuwento ang mapait na sinapit nila, dulot ng kanilang paniniwala sa mga matatamis na pangako at mas magangdang kinabukasan.

Sakada. Kuha ni Raymond Panaligan

Sakada. Kuha ni Raymond Panaligan

Panlilinlang pa rin

Noong Agosto 2016, nag-ikot ang Greenhand Labor Service Cooperative (nakabase sa Polomolok, South Cotabato) sa Bukidnon upang mangalap ng mga sakada para sa tubuhan. “Pumunta sa bahay namin si Billy Baitus, manager ng Greenhand,” ani Mario Memper Jr., na siyang inisyal na nagrekluta sa mga sakada para kay Baitus.

Anila, livelihood program ito ng Panagulong Duterte. Madaliang pangkumbinse na ito para sa mga sakada.

Marami ang ipinangako. Babayaran daw sila ng P220 kada tonelada ng tubo na maaani nila. Libreng pagkain — kanin at ulam, kuryente, health at accident insurance. Libre daw ang tubig at kuryente. Ang ipinanagko pang tirahan nila’y isang otel. Maaaninag ito sa kontrata ng kooperatiba.

“Mayroong SSS, Pag-Ibig, Philhealth, health insurance. Tirahan daw namin ang isang malaking otel at ang katabi ay isang ospital,” ani Memper, na nagkuwento hinggil sa ipinangakong mga benepisyo sa kanila. “Kaya ayun nga, maraming taga- Bukidnon ang nagpunta.”

Wala ni isa sa mga pangako ang natupad.

Sa payroll ng mga sakada na nakalap ng UMA, umaabot lang sa pagitan ng P9 at P128 ang nakukuha ng mga sakada. Bukod sa paghahatian ng 13 sakada ang makukuha sa ani, marami rin ang kinakaltas na bayarin sa kanila. Kasama sa mga kaltas ang ilang kagamitan: rice cooker, kubyertos, kasama na rin ang bolo na gamit nila sa pagtatabas. Nakakagulat, kasama rito ang pagkain — isa sa mga ipinangako ng kontrata.

Iisa rin ang ikinuwento ng mga sakada ukol sa otel na ipinangakong tirahan nila. Mainit, maliit, hindi para sa tao. “Parang bahay ng kambing o kahit anong uri ng hayop,” ani Memper. Aniya, para silang mga hayop doon. “Pagdating namin sa Tarlac, sa Brgy. Mapalacsiao, hindi namin ine-expect na iyon na ang compound namin kasi parang Bilibid, parang preso talaga. Walang kisame, napakainit talaga, at napakabaho.”

At ano naman ang ikinabuhay ng mga sakada habang naroon sila, bago sila tuluyang lumikas mula sa lugar?

“Nanghuhuli na lang lami ng palaka. Hindi na namin kaya ang hirap kaya tumakas kami. Ginamit (namin) ang natitirang pera at naglakad kami mula Cubao hanggang DAR (Department of Agrarian Reform),” sabi pa rin ni Rosalito.

PW-sakada-bogsi-02

Kuha ni Raymond Panaligan

Saniban ng nananamantala

Mapait din ang karanasan ni Mario Bagnaran. Namatayan siya ng kaanak nito lang Enero, dahil wala nang maipadala na pera sa probinsiya upang maipantustos sa pangangailangang gamot nito. Malayo ito sa inaasahan niyang maalwan na kabuhayan at pagtamasa ng mga benepisyo na ipinangako sa kanya.

Ngunit ano nga ba ang maasahan nila sa pagtrabaho para sa isang asukarera sa loob ng isang asyenda? At mula sa isang kooperatiba na pinangangasiwaanan ng may utang na dugo?

Hindi na bago ang kuwentong ito sa Central Azukarera de Tarlac. Mahigit nang isang dekada na ang lumipas mula noong masaker sa mga manggagawang bukid sa Hacienda Luisita. Noong panahong iyon, gumagamit na ng mga sakada ang asukarera mula sa Mindanao at Visayas para alipinin sa tubuhan. Ibinukas lang ito ngayon sa bagong batch ng mga sakada.

Sangkot sa pagsasamantala sa mga sakada ang mga labor contractor tulad ng Greenhand.

Sangkot din ang Agrikulto Inc. na nagtalaga sa Greenhand upang magrekluta ng mga sakada. Subsidyaryo ito ng Central Azucarera de Tarlac, na pag-aari pa rin ng mga Cojuangco at mga Lorenzo, na pag-aari rin ang Lapanday Foods Corp. Matatandaang sangkot ang Lapanday sa pamamaril sa agrarian reform beneficiaries sa Tagum City bago magsara ang nakaraang taon.

Desidido ang mga sakada na lumaban para di na mangyari ang ganitong mga gawain. Payo nila sa ibang sakada: “Kung sa susunod na may matatamis na salita sa inyo, Kung maaari sana, ‘wag na kayo (maniwala),” ani Memper. “Sapat na po na sa amin na lang ang nabiktima nito. Hindi makatao ang mga trato nila sa mga tao.”

Mga sakada mula Bukidnon, kasama si Ka Daning Ramos ng UMA, na nagsampa ng kaso laban sa mga kompanya sa DOLE. <b>Kontribusyon</b>

Mga sakada mula Bukidnon, kasama si Ka Daning Ramos ng UMA, na nagsampa ng kaso laban sa mga kompanya sa DOLE. Kontribusyon

Sanhi ng rebelyon

Sa tulong ng UMA, nakapaghapag ang mga sakada ng karampatang kaso sa Department of Labor and Employment (DOLE) laban sa Greenhand, sa Central Azukarera de Tarlac, at Agrikulto Inc.

“Galit ang publiko sa praktika ng modernong porma ng pang-aalipin ng despotikong mga kontratista at mga oligarkong sina Cojuangco-Aquino at Lorenzo na namumuno sa Agrikulto at Central Azucarera de Tarlac. Ginigiit namin ang agarang aksiyon ng hepe ng DOLE (Sec. Silvestre Bello III) at administrasyong Duterte,” ani Danilo Ramos, pangkalahatang kalihim ng UMA.

Patunay ang kanilang kuwento na nagpapatuloy ang pagsasamantala ng mga panginoong maylupa at malalaking komprador sa uring magsasaka at manggagawa. Patuloy na umiiral hanggang ngayon ang piyudal at mala-piyudal na pagsasamantala sa ating lipunan.

Sa solidarity night para sa mga sakada noong Enero 6, at bago sila umuwi sa Mindanao, tiyak ni Anakpawis Rep. Ariel Casilao kung saan ang direksiyon na tutunguhin ng laban ng mga sakada.

“Ang mga mukhang ito ng mga sakada ang pupuno sa bata-batalyong hukbong bayan para singilin ang mga Lorenzo at Cojuangco- Aquino. Itaga n’yo iyan sa bato,” pagtatapos niya.


Featured Image | Photo by Raymond Panaligan

 


Bungkalin ang lupa, buwagin ang asyenda

$
0
0
slide
Kuha ni Sid Natividad
slide
Kuha ni Sid Natividad
slide
Kuha ni Sid Natividad
slide
Kuha ni Sid Natividad
slide
Kuha ni Sid Natividad
slide
Kuha ni Sid Natividad
slide
Kuha ni Sid Natividad
slide
Kuha ni Sid Natividad
slide
Kuha ni Sid Natividad
slide
Kuha ni Sid Natividad
slide
Kuha ni Sid Natividad
slide
Kuha ni Sid Natividad
slide
Kuha ni Sid Natividad
slide
Kuha ni Sid Natividad
slide
Kuha ni Sid Natividad
slide
Kuha ni Sid Natividad
slide
Kuha ni Sid Natividad
slide
Kuha ni Sid Natividad
slide
Kuha ni Sid Natividad
PrevNext

Ilang dekada na ring nagmistulang langaw ang pamilya Cojuangco-Aquino sa ibabaw ng mga magsasakang kayod-kalabaw na nagbubungkal ng lupa sa Hacienda Luisita. Hindi pa nakuntento ang pamilya sa ilang dekadang pagpapasasa sa katas ng tubo kapalit ng kuwarta, madaya rin nilang minaniobra ang batas para pumabor sa kanila.

Ito ang pananaw ng mga magsasaka sa asyenda.

Sa pagitan ng pagtatanim at anihan, nakahanap ng panahon para makipagtuos ang mga magsasaka sa pamilyang asyendero. Sa legal na proseso man o sa pamamagitan ng militanteng paggiit ng karapatan, malaking bahagi ng kanilang nakamit na mga tagumpay’y bunga ng pagsasakripisyo ng kanilang mga kasamahan, sukdulang mamatay pa ang ilan sa kanila.

Nitong ikalimang anibersaryo ng desisyon ng Korte Suprema na ipamahagi sa mga magsasaka ang asyenda, may bagong yugto ang pakikipaglaban ng mga magsasaka ng Luisita para sa lupa: ang pag-okupa sa ilan pa sa mga lupaing kinamkam sa kanila ng pamilyang Cojuangco-Aquino.

Pero simula pa lang ito ng laban.

Martir

Mas magaan sana sa kalooban kung binti lang ang nawala kay Erwin Laza. Pero mas masakit na kawalan ang pagkamatay ng kanyang nakatatandang kapatid na si Jesus Laza na isa sa mga namatay noong pagbabarilin silang nagwewelga sa Hacienda Luisita noong 2004.

“Binangga nila ang binti ko ng dump truck. Makailang beses din ‘yon.” ani Erwin. Napilitang putulin ang paa niya dahil sa sagasang natamo niya sa isang militanteng aksiyon na paggiit ng karapatan nila sa lupa.

“Iyang Noynoy Aquino na iyan, ‘pag nakita ko iyan pagbubugbugin ko yan kahit putol na ang binti ko,” nanginig ang boses na sabi ni Erwin. Tila sinlamig ng kanyang artipisyal na bakal na binti ang nararamdaman sa pamilyang Cojuangco- Aquino.

Ipinagpapatuloy umano niya ang pakikipaglaban ng kapatid at namayapa na ring tatay. Katunayan, sumama si Erwin sa sama-samang pagbuwag ng pader na nagkukulong sa 384-ektaryang lupain na kuwestiyonableng naisangla ng pamilyang Cojuangco- Aquino sa RCBC at Luisita Land Corp. sa ika-limang anibersaryo ng desisyon ng Korte Suprema na tuluyan nang ipamahagi ang lupa sa mga magsasaka.

Patuloy si Erwin na lalaban para sa hustisya sa mga nagbuwis ng buhay at para matagumpay na pagbuwag sa mga asyenda.

Kaputol ng pakikibaka

Tulad ni Erwin, ipinagpapatuloy rin ni Emy Ladera ang pakikibaka ng kapatid na si Abel Ladera. Ang pagpatay kay Abel noong Marso 3, 2005 ang kauna-unahang kaso ng pagpatay na naiulat matapos ang masaker sa Luisita noong 2004.

Binaril si Abel ng hindi pa nakikilalang mga suspek sa may parteng puso. Pero hinala nina Emy, may kaugnayan ang pagpatay sa kuya niya sa paglaban niya para sa lupa.

Si Emy ang tagapagsalita ngayon ng Mothers and Relatives against Tyranny and Repression o Martyr, organisasyon ng mga kaanak ng mga namatay sa madugong masaker noong 2004 sa asyenda at iba pang mga kaugnay na pagpaslang.

“Obligasyon namin na ipagpatuloy yung nasimulan ng mga martir dahil alam namin na ang ipinaglaban nila ay ang lupa at hustisya,” ani Emy.

Kalso sa tagumpay

Ayon kay Emy, ang pagsama sa mga bungkalan sa loob ng asyenda ay bahagi ng paghahanap ng hustisya para sa mga namayapa nilang mahal-sa-buhay. Iba-iba ang kuwento ng mga martir na pinaslang ng mga hindi natutuwa sa pagtutol sa mga asyendero. Pero iisa lang ang hinihingi ng mga pamilyang naiwan nila: lupa at hustisya.

Kung nanahimik lang ang magsasaka at nakuntento sa hindi makataong pagtrato sa kanila ng mga asyendero, malamang ay hindi nailabas noong Abril 24, 2012 ang desisyon ng Korte Suprema para ipamahagi ang mga lupain ng Hacienda Luisita. Sa anibersaryo nito, kasama ng mga pamilyang naiwan ng mga martir ay nagmartsa ang iba’t ibang progresibong grupo patungo sa mga binakurang sakahan sa ani at saka nila ito tulung-tulong na binuwag sa pamamagitan ng maso.

Limang taon na ang nakakaraan, nagtagumpay ang mga magsasaka nang katigan sila ng Korte Suprema. Pero bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin sa nila nakamit ang lupa?

Hinala ng mga pamilya ng mga martir, may kinalaman sa “pagmamaniobra” ang noo’y kalihim ng Department of Agrarian Reform na si Virgilio delos Reyes at kilalang “tauhan” ng pamilya Cojuangco-Aquino.

Ayon kay Danilo “Ka Daning” Ramos ng Unyon ng Mangagawa sa Agrikultura, ang “tambiolo system” na ginamit na paraan ng administrasyong Aquino sa pamamahagi sa lupain ng asyenda ang isa sa mga kalso na pumigil sa tuluyang pagkakaroon ng lupa ng mga magsasaka. Akala mo, mga numero sa lotto ang pangalan ng mga benepisyaryo na pinapalabunutan nina delos Reyes noon. Tinawag na “idiyotiko at hindi siyentipiko” ng maka-magsasakang mga grupo ang solusyong ito.

Ipamahagi na

Sa ilalim ng administrasyong Duterte, malaking bagay ang pagkakatalaga kay Rafael “Ka Paeng” Mariano bilang kalihim ng DAR. Si Mariano’y isang aktibista at lider-magsasaka at dating kinatawan kinatawan ng Anakpawis Party-list sa Kamara.

Bagamat nagpapatupad ang DAR ng mga utos na pabor sa mga magsasaka sa pangunguna ni Mariano kabilang na ang pagbasura sa conversion order sa 384-ektaryang sakop ng RCBC at LLC, aminado ito na maraming butas ang kasalukuyang sinusunod na Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP). Bilang alternatibo, suportado ni Mariano ang HB 555 o Genuine Agrarian Reform Bill (GARB). Sa GARB, libreng ipapamahagi ang lupa kumpara sa CARP na kailangang bayaran ng benepisyaryo ang lupa nito sa mga panginoong maylupa sa loob ng 30 taon.

Kung ang mga pamilya naman ng mga martir sa Hacienda Luisita ang tatanungin, naniniwala silang malaki ang matutulong ng Comprehensive Agreement on Socio- Economic Reforms o Caser sa kanilang ipinaglalaban. Isa sa pangunahing mga adyenda ng usapang pangkapayaan sa pagitan ng gobyerno ng Pilipinas at National Democratic Front of the Philippines (NDFP) ang Caser.

“Bilang taga-hacienda at pamilya ng martir, ang hinihiling naming tugunan na ng gobyerno [ang mga] usapin sa peace talks. Sa Caser, isa sa pangunahing pinag-uusapan ang libreng pamamahagi sa lupa at yung pagbuwag ng mga asyenda sa Pilipinas,” ani Emy.

Ilang taon na ring nagmistulang langaw ang mga asyendero sa ibabaw ng mga magsasakang kayod-kalabaw. Panahon na para buwagin ang mga asyenda at ipatupad ang tunay na repormang agraryo.


May ulat ni Abie Alino

Sining para sa masa

$
0
0

Sa isang maliit na bar sa Kamuning, nagtipon ang mga musikero, manunulat, dibuhista, aktor, at iba pang artista para sa iisang layunin: Gamitin ang sining para isulong ang pakikibaka ng milyun-milyong Pilipinong bahagi ng sektor na nagpapakain sa sambayanan—ang mga magsasaka.

Sa Catch 272 binuo ang alyansang Sama-Samang Artista para sa Kilusang Agraryo o SAKA na kinabibilangan ng mga organisasyon at indibidwal na naniniwalang malaki ang papel ng mga artista sa pagbabagong panlipunan. Para umano organisadong tuparin ng SAKA kanyang layunin, malapit itong makikipagtulungan sa “Barangay Pesante” na binubuo ng iba’t ibang organisasyon ng magsasaka sa Pilipinas.

Si Ericson Acosta ng KMP. <b>Marjo Malubay</b>

Si Ericson Acosta ng KMP. Marjo Malubay

Nagsasagawa ang grupo ng regular na talakayan at workshop na tinawag nilang “Kapasikaran” na nangangahulugang “pundasyon” sa wikang Bisaya. Sa araw ng pagkakabuo ng SAKA, tinalakay nila ang paksang “Barangay Pesante: Cultural Work and the Philippine Peasant Struggle for Genuine Land Reform” sa pangunguna ni Ericson Acosta ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas.

“Nakita ng nakaraang ilang taon ang aktibong paglahok at pakikisangkot ng mga grupo, indibidwal na artista, at mga manggagawang pangkultura sa mga isyung magsasaka. Ito ang nagbibigay sa atin ngayon ng tulak upang magtipun-tipon, magtalakayan, at magsikap na itaas ang antas ng ating pagkakaisa,” ani Acosta sa pambungad na mensahe ng Kapasikaran sa Catch 272.

Layunin ng grupo na ilapit ang mga indibidwal na artists at grupong pangkultura sa pakikibaka ng mga magsasaka at kampanya nito para sa libreng pamamahagi ng lupa, tunay na reporma sa lupa, at hustisyang panlipunan. Sa pagdaan ng panahon ay napatunayan nang malaki ang naitutulong ng mga artists sa pagsusulong ng pagbabagong panlipunan partikular sa pakikibaka ng mga magsasaka.

Sa Hacienda Luisita, halimbawa, ay mahusay na naikuwento sa dokumentaryong Sa Ngalan ng Tubo ang brutal na pamamaril sa mga magsasaka ng asyenda para buwagin ang itinayo nilang welgang-bayan. Ang mga nakuhang litrato at bidyo ng mga nagkokober na midya at mga artista na sumusuporta sa kampanya ng mga magsasaka ay nakahadlang sa pambabaliktad ng tunay na naganap noong araw na iyon. Ayon kay Acosta, ipinakita ng dokumentaryo na ang Pilipinas ay saklot pa rin ng piyudalismo at pasismo.

“Mga anyong pangkultura gaya ng video documentary, koleksiyon ng tula, mga awit at iba pa, ang tumulong sa pagpopularisa sa isyu ng Hacienda Luisita mula pa sa panahon ng welga at masaker noong 2004,” ani Acosta.

Naniniwala ang SAKA na makakabuo lamang ng epektibong anyo ng sining, midya, at panitikan kung idudugtong ito sa isyu ng mamamayan, na siyang esensiya ng sining para sa kanila dahil ang tunay na artista ng bayan ay hindi lamang nagsusumikap na baguhin ang mapangaping kultura ng lipunan, nakikibaka rin ito para buwagin ang pang-ekonomiko at pampulitikang gapos ng masang inaalayan niya ng kanyang likhang sining.


 

Viewing all 17 articles
Browse latest View live


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>